Evidences (12)

943 27 12
                                    


. . .

Stephanie


Nagising ako dahil sa malakas na pag-ri-ring ng cellphone ko. Pagtingin ko sa caller ay naka-register ang pangalan ni Emmie.


"Hello?"


My body froze when I heard what she said on the other line. I can't believe this. Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita. Mabilis akong bumangon at nag-ayos. I need to go to school this instant.


Halos tumakbo na ako pababa ng hagdan. Palabas na sana ako ng bahay, nang bigla akong tinawag ni Kuya. Huminto ako sa pagtakbo at nilingon siya.


"Oy. Aalis ka na? Hintayin mo--"


Hindi ko na siya pinatapos at lumabas na ako ng bahay. I can't wait for him, naka sando pa rin siya at pants. Sumakay na ako ng kotse at nagdrive papunta sa school.


I breathe. Totoo ba yung sinabi ni Emmie? May nakita daw sa parking lot, isang sunog na bangkay. What's happening? Last time, Cristine was found dead. And we also discovered that it was only a foul play.


Please. Sana hindi ko schoolmate ang bangkay. Sana, hindi member ng club.


Pagdating ko sa parking lot ay maraming estudyante at staff ang nagkukumpulan doon. Hindi ko maipasok ang kotse kaya nag park na lang ako sa harap ng school gate. May ilang sasakyan din ang naka park doon.


Paglabas ko ay tumakbo na ako papasok ng school. Nagulat ako nang may biglang humawak sa balikat ko. When I turned back, I saw Kidd who looks confused.


"Stephanie. Anong meron sa parking lot?"


I did not answer him at basta basta ko na lang siyang hinatak. Tumakbo kaming dalawa papunta sa parking lot. Pagdating namin doon ay may mga pulis na. I fought the urge to laugh bitterly.


Wow. For the first time.


"Padaan." Sabi ni Kidd habang hinahawi yung mga tao. Nakasunod lang ako sa likod niya. Pagdating namin sa pinaka-unahan na malapit sa police tape ay pinigilan kami ng isang pulis.


I almost vomit when I saw the horrible scene.


Sunog na sunog ang bangkay. Hindi nga namin ma identify kung lalaki o babae ang may-ari ng bangkay. Natukoy lang na babae dahil sa sapatos nito.


"Shit." Narinig kong sinabi ng katabi ko. Paglingon ko ay si Emmie pala.


"Mabuti naman at dumating ka na." Saad niya. Tumango lang ako sa kanya at bumaling kay Kidd.  


"Kidd, sa tingin mo, student siya dito?" Hindi naman siya sumagot. Nakatingin lang siya sa bangkay. Geez. How can he stand staring at it?

The Theater ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon