The Downside of Trusting (38)

185 5 4
                                    


. . .

Third Person


Nagising ang ama ni Queen dahil sa malalakas na katok mula sa pinto. Mabilis na nakaramdam ng masamang kutob ang ginoo. Binuksan niya agad ang pinto at bumungad ang nag-aalalang mukha ng asawa.

"What's the matter?" tanong niya rito. Mas lalong sumama ang kutob niya dahil sa nakaguhit na takot sa mukha ng asawa niya.

"S-si Queen, nakatakas sa mental institute. Charles! Ayokong may mangyaring masama sa anak natin! Or worst, makagawa siya ng masama. We both know her mental condition!" Umiiyak na sabi ng ginang. Hinawakan ni Charles ang balikat nito.

"I'll call the police. Calm down, okay? Magiging okay ang anak natin." Pagpapalakas loob niya dito. Mabilis siyang bumaba ng hagdan at tumawag sa mga pulis.

Pinagmasdan lang ng ginang ang asawa habang tinatawagan ang pulis. Nanghina ang mga tuhod niya at napaupo sa hagdan. Tinakpan niya ang mukha at humagulhol.

"This is all my fault." bulong niya sa sarili.

Matagal na niyang alam na may mali sa kanyang anak. Simula nang umuwi ito na puno ng dugo ang uniporme at tila wala sa sarili. Idagdag pa ang mga nabasa niyang isinulat ni Queen nang minsang makita niyang pakalat kalat ang diary nito. Nabasa niya ang mga plano nito at mga paraan ng pagpatay sa mga kaklase nito. 

Ngunit pinili niya ang tumahimik. Hindi niya ito sinabi sa asawa dahil sa takot na may gawin itong masama sa anak. Si Queen lang ang nag-iisang anak nila at hindi niya hahayaang may mangyaring masama rito.

Nang masangkot si Queen sa krimen na nangyari kina Daphne ay doon niya napag desisyunan na tama lang ang dalhin ito sa isang institusyon na makakagamot, sa kung ano man ang sakit ng anak sa utak. Gusto niyang gumaling ito. 

Kung ginawa niya lang sana ang tama noon, siguro ay hindi magiging ganito kagulo ang lahat.

"Hon."

Naputol ang pag-iisip ng ginang nang tawagin siya ng asawa. Pinahidan niya ang mga luha at dali daling bumaba ng hagdan papunta kay Charles.

"Yes? Ano kamusta?"

"Do you have any idea kung saan natin siya pwedeng mahanap?" 

Umiling lang ang ginang. "Wala.. Sorry Hon. I'm such a bad parent. If I only knew.."

Mabilis na yinakap ni Charles ang asawa. "Shh.. Tahan na Sylvia. We'll find her. Let's go." sabi nito at hinawakan ang kamay ng asawa. 

. . .

Nakatitig lang sa bintana ng sasakyan si Sylvia. Nag hahangad na sana ay makita niya ang anak na naglalakad sa kalsada. Pareho silang tahimik ng asawa. Walang alam kung ano ba ang dapat sabihin sa isa't isa.

"Wait, stop!" 

Pinatigil agad ni Charles ang sasakyan. Nakakunot ang noo nito nang bumaling sa asawa. 

"What's wrong?"

Nakatingin ang asawa sa bintana habang may tinuturo sa labas. Isang doktora na papalabas ng ospital. "That's Dra. Park. Nakasama ko siya sa PTA meeting. Classmate ng anak niya si Queen."

Bumaling si Sylvia kay Charles. "B-baka, she can help us." 

Pinagmasdan ni Charles ang paligid. Nasa harap sila ng isang ospital. Kahit na naguguluhan ay sinunod na lang nito si Sylvia. Bumaba silang dalawa ng sasakyan. Hindi na nila inalintana ang malakas na ulan. 

The Theater ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon