The Auditions (2)

1.3K 41 17
                                    

. . . 

Viola

It has been a week since I transferred in this school. Naging close na rin ako sa mga classmates ko. Pati kay Calvin Angelo Fortuna.

Joke! 

Except for that jerk.

"Hi Viola! Ready ka na ba sa audition mamaya?" salubong sa akin ni Chin pagkalabas ko ng classroom.

Tapos na kasi yung klase namin kaya pupunta kami ng auditorium para sa audition. Ang bilis talaga ng mga araw. Ngayon na ang audition para sa mga sasali sa Theater club. Ilang araw rin akong naghanda. Sana nga makapasok ako! 

"Oo Chin chin. Ikaw? Kamusta ang photography club?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami. Again, ako naman ang nagtanong. Ang unfair kasi kung ako lang lagi ang sasagot.

Ilang araw na rin kaming magkasama ni Chin-chin. Kilala na namin ang isa't isa. Hindi naman siya mahirap kaibiganin. Sige na nga, best friends na kami. Hindi naman siya mahirap kaibiganin. Kaya lang, napaka ingay ng babaeng to.

"Hindi na ako sasali sa Photography club." napatigil naman ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya.

"Why not?" tanong ko. Bongga, english.

Tumahimik lang siya at nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa nakarating na kami sa auditorium. Kahit na matagal ko nang pinaghandaan ang araw na to, kinakabahan pa rin ako.

Disadvantage ang pagiging transfer student ko kasi hindi ko pa masyadong kilala yung mga makakasama ko sa audition. Malay ko ba kung mas magaling sila sakin. Pero ang maganda sa auditions na to is walang audience. So bale puro auditionees lang at ang judges ang nasa loob ng audi.

"Goodluck." bulong ni Chin chin sabay beso sa akin at umalis.

Huminga muna ako nang malalim bago pumasok ng auditorium.

Kaya mo to Viola. Kayang kaya.

Pagkatapos ng ilang segundo ng pagpapalakas ko sa loob ko ay pumasok na ako sa loob. Woah. Marami rami rin pala ang mag-o-auditon. Mas lalong nadagdagan ang kaba ko. Sabi kasi ni Chin chin, sampu lang ang kukunin para makapasok sa club. Sa dami ng mga makakasama ko sa auditons, ang liit ng chance na makapasok ako.

Hindi naman sa wala akong tiwala sa sarili ko, kinakabahan lang talaga ako kasi ang dami kong kalaban. Tapos ang magaling kong best friend, wala dito para suportahan ako. 

Umupo na ako at nagsimulang kalmahin ang sarili. May lumapit namang babae sa akin at binigyan ako ng isang papel. #21 ang nakalagay. Ibig sabihin pang twenty one ako sa mga mag-o-audition.

Kaya mo to Viola! Fighting!

. . .

Third Person

"Students, umpisahan na natin ang auditions. Good luck." anunsyo ng direktor at head teacher ng Theater club, si Sir Bravo.

Umayos ito ng upo at bumaling sa katabi. "Mas marami ang nag o-audition last year, kumpara ngayon." komento nito sa katabi niyang si Stephanie Gwynn Cuenca. Ang presidente ng Theater club at isa rin sa mga hurado.

Sumimangot ito. "Oo nga Sir. Too bad, sampu lang ang kukunin natin." tila nanghihinayang na sabi ni Stephanie. Napabaling siya sa isa pang katabi nang bigla itong magsalita.

The Theater ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon