Simula

116 6 4
                                    

I stood there, right at the same time, same place, same atmosphere. Nandun ako, binalikan ko s'ya. Binalikan ko 'yung pangako ko.


"Mahal kita p-pero" Nauutal kong sabi.


"Pero ano, Elle?" Tinitigan ko sya, kitang kita ko yung pamumula ng mata nya. Para akong sinasaksak pauli-ulit. Mali. Sa sobrang sakit na nararamdaman ko, hindi ko na alam kung dapat pang ipagpatuloy ang gusto kong mangyare. Kasi ayokong nasasaktan s'ya.


Natutusok yung mata ko habang matalas ang tingin nya sa mga mata ko.


Hindi ko na mapigilan at nabasag yung boses ko. "M-may iba na akong mahal, Jayden."


Niyakap nya ako, tahimik akong nagmura kase hindi ko na talaga kaya. Hindi ko kaya yung sinabi ko, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at nasabi ko yun. Fuck, mahal na mahal ko s'ya.


"Jayden." Pagkasabi ko 'nun ay mas hinigpitan nya pa ang kapit sa'kin at naririnig kong may sinasabi syang no, no, no. Pinilit ko kalasin ang pagka-yakap nya pero wala na akong lakas kaya hinayaan ko s'ya. Dinamdam ko yung init nya, ramdam kong nanginginig na yung tuhod ko.


"Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo, Elaine. Please" Nabasag yung boses nya. Ngayon nya lang ako tinawag gamit ang buong pangalan ko. Ako naman, pinigilan kong humikbi sa sobrang sakit na nararamdaman ko, pero ramdam kong basa na yung damit nya sa dami ng luha ko.


Nagbuntong hininga ako at agad kumalas sa yakap nya. Sinimangutan ko sya.


"Hindi na." Muli akong tumingin sa mga mata nya, nakikita ko lahat. Namumula ito at nakikita ko yung sakit. Kita ko yung hinanakit nya, kita ko yung pagmamahal nya. Sorry baby, but this is the only choice given to me. This is what I want. This is for us.


Bago ko sabihin yung pinakakakatakutan kong sabihin, tumingin ako sa baba. Hindi ko sya kaya tingnan.


"Hindi na kita mahal." Pumiglas ako sa pagkahawak nya sa braso ko at tinulak sya sa dibdib ng marahan.


"Please, Elaine. Please." Pagmamakawa nito.


Hinawakan nya muli ang braso ko at pinipilit itaas ang baba ko pero umiiwas ako sa haplos nya. "Tumingin ka sa'kin at sabihin mo, hindi 'yan totoo." Naghina ako lalo.


"Wala na, Jayden. Hindi na sapat para ipaglaban pa kita, hindi na tama" Hinang-hina akong sinabi 'yon. Binitawan nya ang braso ko at nakita ko s'yang humakbang palikod, naramdaman kong pinipiga yung puso ko. Sinasabi ng utak ko na 'wag mo akong iwan, baby. 'Wag. Hindi ko kaya.


Tumalikod sya, sumigaw at tumakbo papalayo sa'kin. Ngunit ako, hindi ako gumalaw. Bumuhos lang yung luha na pinipigilan kong lumabas dahil ayokong nakikita nya na nasasaktan din ako ng sobra.


"Babalikan kita. Pangako, kumapit ka lang hanggat kaya mo." Bulong ko sa sarili ko at lumuhod. "Babalikan kita kase mahal na mahal kita."


Pinunasan ko ang luha ko habang nakatingin sa isang open space. Hay, Jayden. Andito na ulit ako. Andito na ako, kelangan ko yung yakap mo. Sabihin mo sakin na mahal mo ako ulit. Tanungin mo ulit sakin kung mahal kita. Kase ang totoo nyan? Walang nagbago, we may be separated by years, distance and pain, mahal na mahal parin kita. Walang pumalit sa'yo dito sa puso ko. I am still wounded.


Lahat ng nangyare noon, fresh parin na paulit-ulit nagpapaalala sa'kin ng failure ko. Pero failure ko nga ba 'yun?


Napabuntong hininga ako at simulang naglakad patalikod. What would we be like kung hindi kita iniwan? Naisip ko. Tayo parin kaya? Was everything worth sacrificing?


"Jayden!" Tili ko at tawang tawa dahil hinahabol nya ako.


"I'm coming to get you!" Sigaw nya naman sakin habang nakaabang sa harapan ko.


He came running to me. I felt his arms slam against me. I felt his warmth, telling me that I should never worry because I'm his, and he is mine. I felt his soul.


"Mahal na mahal na mahal kita, Elle." Malinaw na sinabi nya sa'kin habang binibigyan akong mainit na halik sa noo ko. Gumaan ang pakiramdam ko at naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko.


Hindi nya ako binitawan, ramdam na ramdam ko yung yakap nya. Yung yakap na pinapangarap kong maramdaman ulit pagkatapos ng anim na taon.


Mahal na mahal kita. I love you so much. Since before, until now. Everyday, mahal parin kita.


Napapikit ako habang humampas yung malamig na hangin sakin, dahilan kung baket lumipad yung suot kong sumbrero. Bilis kong hinanap yung direksyon nung sumbrero ko at tumakbo. Sa sobrang lakas ng hangin, lumilipad yung buhok ko sa mukha ko. Dahilan kung bakit 'di ko alam kung san ako tumatakbo.

At dahil sa katangahan ko ay humampas ang katawan ko sa isang pader. Hiyang-hiya akong nagayos ng buhok at tumingala. Napanganga ako. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko,


"Miss, yung" Nagsenyas sya na itaas yung baba ko daw. Mahina syang tumawa.


Naginit naman yung mukha ko at umiwas ng tingin.


"Sorry" Sabi ko habang hinahabol ang hininga. Hindi ko alam kung dahil ba sa nakikita o sa kakatakbo?


"Yung sumbrero ko kase lumipad, hindi ko nakita may parating pala" Tinuturo ko yung nasa kamay nya na sumbrero ko at ngumiti ng pilit. Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng pisnge ko at pinilit hablutin yung hawak nya pero inilayo nya ito at iniwagayway sa ere. Matangkad sya kaya hindi ko maabot.


"Hernandez, yung sumbrero ko." Tumingin ako sa baba at pinipilit parin kunin sakanya.


"Please" Mahina kong sabi.


Natawa sya ng marahan at nagsmirk. "Please? Alam mo pala ibig-sabihin 'nun, Garcia."


Alam ko sa point na 'yun, wala na ako sa sarili ko. Alam ko yung tinutukoy nya. Napatingin ako sa mata nya at sinabi sa isip ko, tanda mo pa 'yun? Kita mo ba kung gano ako nasaktan? Alam mo ba kung gano kahirap 'yung ginawa ko? Kita mo bang hanggang ngayon mahal parin kita? Nakikita mo? Mahal mo pa ako? Ako parin ba?


"J-jay" Pero hindi natapos ang sinasabi ko dahil sa batang tatakbo kay Jayden. Napatingin ako dito at nagtaka, hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Natutuwa ba ako kase nandito si Jayden sa harap ko o masasaktan kase mukhang wala na syang pakealam?


"DADDY!" Sigaw neto.


"Mommy said we can stay here until 3pm." Patalon-talon at sabay abot ng cellphone kay Jayden.


Tumingin ako ng deretso kay Jayden, nakangiti sya at ang atensyon neto ay nasa bata.


Naglaho ang mundo ko.

WoundedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon