"'Cos I haven't." bulong nito habang tumayo sa upuan.
Hindi ko alam kung anong itsura ko ngayon. Hindi ko rin alam kung san lupalop kukuha ng hangin para muling makahinga. Pero tama ba ang narinig ko? Hindi s'ya okay? Baket? Gusto nya ba marinig ang paliwanag ko?
Gusto ko sanang magtanong ngunit lumakad sya at lumayo sa dining. Umakma naman akong tatayo rin dahil akala ko iniwan nya na ako pero laking gulat ko nung nasa tabi ko sya at naglahad ng kamay.
"Labas tayo, dun sa garden. Mahangin 'dun." gusto ko sanang tumanggi pero dahil sa lakas ng tibok ng puso ko, hindi ko na narinig ang sinabi ko.
"Ahh eh, sige." hiyang-hiya ako sumagot. Inabot ko ang kamay nya para makatayo. Ramdam na ramdam ko ang init ng palad nya na agad tumusok sa buong katawan ko.
He took me outside while holding my hand. Hindi ko alam kung napansin nya pero sa ngayon ay kumakalabog na ang puso ko. His touch sends an electrifying feeling all over my body.
"Ay sorry," agad na bitaw nya sa kamay ko nung makarting kami sa labas. Nilagay nya naman ang kamay nya sa kanyang bulsa at tumingin sa malayo.
Kelan ka ba titingin, 'yung sakin lang?
"It's okay!" sabay tawa ko at binawi rin ang kamay ko.
Tumingin ako sa paligid ko at punong puno ito ng ilaw na galing sa floor. Maganda ang pagka-landscape dito at malawak rin, madaming flowers, bushes at maging maliliit na puno. Natuwa ako nung may makita akong roses doon at hindi naiwasan lumapit dito.
"Roses!" excited na banggit ko. Narinig ko ang mahinahon na pagtawa ni Jayden habang pinagma-masdan ang childish gestures ko.
"Gusto mo parin pala 'yang mga 'yan." namula ang mukha ko at naalala ang mga panahon na binibigyan nya ako palagi ng roses.
"Oo, always been my favourite." sabi ko habang hinahawakan at pinagmamasdan ang isang rose bud. Naramdaman ko ang paglapit n'ya at init nya mula sa likod ko.
Nagulat ako at nanlaki ang mata. Is he gonna hug me from behind?
Ramdam ko ang pahinga nya at ang mainit ang naramdaman ko mula sa aking likuran. Nakita ko agad ang kamay nya pinipitas ang isang rose. Nanlaki ang mata ko nung napa-atras ako, dahilan ng aksidenteng pagtapak ko sa paanan nya.
"Oww!" Napahawak naman s'ya sa bewang ko. Agad nagtama ang mga mata namin. Ramdam ko ang kabog ng puso ko. Ang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Nakita ko ang mata nyang bumababa muli ang tingin patungo sa labi ko.
Hindi ko alam kung bakit kinagat ko ito. Halos isang galaw lang, magtatama na ang mga labi namin.
"Dad!" sigaw ng bata mula sa loob ng bahay. Napatalon kaming dalawa at halos itapon nya ako sa bilis na pagtulak ko sakanya. Nagliliyab na ang mukha ko sa sobrang init na nararamdaman ko.
Umiwas agad ako kay Jayden na nagaayos din ng sarili nya.
"Shit!" bulong naman nito.
"Yes, son! I'm outside." at agad lumabas ang bata. Laking bigla kong naramdaman ang paghigit nito sa damit ko.
"Tita, tita! Let's go and feed the fishes!" sigaw muli ng bata, hindi na ako nakatanggi kaya sinundan ko ito.
