Kinse

51 8 4
                                    

Kinuha ko ang phone ko at nag-check ng inbox. Ngunit wala ni isang message galing sakanya. And nandun lang ay message ni Naomi, Kobe at Wade. Pero hindi ko iyon pinansin at binuksan yung kay Jayden.

Nag-scroll ako ng mabilis pataas at nagbasa ng isang random message mula sakanya.

Jayden:

Hi misis ko, kumain ka marami. Andito lang ako sa paligid.

Scroll.

Jayden:

Di ako makatulog, wag mo ako masyado isipin please

Ako:

Ako nga ginising mo eh! Hahaha :)

Jayden:

Talaga? So di pala ako makatulog kakaisip sa'yo?

Napangiti ako at muling nag-scroll ulit.

Jayden:

Baby, ano sa tagalog ang expensive profit?

Ako:

Ha? Mahal na kita?

Jayden:

Weh? Diba matagal na? ;)

Kinagat ko ang labi ko at pumikit. I miss him. I miss him so bad. But I don't know what to do, I can't tell him anything. Hindi pwedeng may malaman s'ya tungkol sa nangyayare kasi alam kong madudurog ang puso nya. I don't want to hurt him even more.

Pagka-ligo ko ay bumaba ako at 'di makapaniwala sa nakita ko. Naka-upo s'ya sa sofa, nakabukas ang tv ngunit agad kong nakuha ang atensyon nya.

Napakalaking ngisi ang sumalubong sakin at niyakap nya ako.

"Baby... goodmorning! You look so good in the morning" aniya at hinalikan ako sa pisnge. Ramdam ko ang pagaapoy ng buong mukha ko.

"Goodmorning! Baket ang aga mo?" nagtatakang tanong ko at lumayo sya sakin.

I wrapped my arm around his neck and he wrapped his around my waist.

"Magd-date tayo." tiningnan nya ako ng nakakaloko at kumindat. Hindi ko rin mapigilan ngumiti at humalakhak.

"Ay aga aga Jayden ha! Pakainin mo muna ang unica hija ko" pareho kaming napa-lingon at nakita si Mommy na may dalang mga hotdog at itlog.

"Sorry na tita, sadyang inlove na inlove lang ako sa anak nyo" tumingin sya kay Mommy na busy sa paghahayin, tumawa sya at muling binaling ang tingin sakin. Kinagat nya ang labi nya at para syang nangi-gigil.

Tumawa si Mommy at nagaapoy na naman ang mukha ko. Umirap ako kay Jayden at kinagat ko rin ang labi ko, pinipigilan ngumiti. Ramdam ko ang pag-tense ng cheeks ko dahil sa pagpi-pigil.

This guy knows how to drive me crazy and I love it.

"Oh halina kayo, breakfast muna!" sigaw ni Mommy habang nakatalikod samin.

WoundedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon