Disesais

48 5 6
                                    

I stared at the ceiling after opening my eyes. Hingal na hingal ako at sobrang bilis ng pintig ng puso ko. Ramdam ko ang paghapdi ng mga mata ko ngunit wala namang luhang nagbabadyang lumabas.

That indeed was the 20 year old me. Young and unaware. Vulnerable and crushed.

Hindi ko labis maisip kung baket patuloy ang pagbabalik sa'kin ng mga ala-alang iyon? Dahil ba sa mga nangyare kahapon at na-trigger na naman ang sobrang sakit? Dahil ba tanga ako at umaasa na naman? Dahil ba kinakalaban ko ang sarili ko sa sakit na tinakbuhan ko noon?

Tumagilid ako at tiningnan ang phone na nakapatong sa bedside table. Kinuha ko iyon dahil gusto kong tawagan si Naomi. I need to let her know about what happened yesterday.

Pero laking gulat ko ng isang unknown number ang nag-text sa'kin.

Unknown number:

Elle, I'm sorry. Hindi ko sinasadya.

Kumunot ang noo ko at binuksan ko rin ang isa pang message galing sa iisang number. Pareho itong na-recieve kahapon pa pero mukha hindi ko nabuksan dahil sa sobrang pagod ko kaya agad akong natulog.


Unknown number:

Please let me know if you're still awake

Unknown number:

Sorry again. Baka tulog ka na. Goodnight

Agad akong nagtype at nagsend rin ng isang message. Hindi kaya si ano 'to?

Ako:

Who's this?

Binitawan ko ang phone, bumaksak iyon sa hita ko. Pumikit ako at nag-hikab, bangag parin sa panaginip. Pagka-mulat ko ay ramdam ko ang vibration sa hita ko. Wow, gising na agad s'ya? Kung sino man 'to, ang creepy nya ha!

Unknown number:

This is Jayden. Save my number.

Whoa. Wait. Ramdam ko ang tambol ng puso ko habang nagt-type ng isa pang mensahe.

Ako:

You're up early?

Nang maisend ko 'yun ay parang hindi ako mapakali. Baket ang casual ko makipag-usap? Ano ba, Elle, hindi mo ba naalala 'yung nangyare kahapon?

Jayden:

Couldn't sleep. Kaya nag-kape nalang ako. Kain ka na

Kumunot ang ang noo ko sa pagtataka. Why can't he sleep? Dahil ba iyon sa nangyare? God, Elle. Stop it. Stop. It!

Ako:

Okay

Binitawan ko ang phone ko. Ayoko muna makipag-usap. Masyado akong nahuhumaling sa pagpa-pantasya. Ayoko nalang muna mag-isip. Walang kahulugan iyon, kaya dapat 'wag ko pagaskayahan ng oras. Imposible lahat ng gusto kong mangyare. Okay?

Naligo muna ako bago nag-ayos. Nagsuot ako ng isang white spaghetti strap na v-neck pati narin black na shorts.

Off ko ngayon at gusto ko muna magpahinga. Naisip kong mag-grocery muna pero naalala ko na wala nga pala ang sasakyan ko. Shit, how the hell am I going to get it? Commute na naman? Naalala ko rin ang pangayayare kahapon. God! Talaga bang hindi ka mawawala sa isipan ko, Jayden? Give me a break! Kinuha ko ang cellphone ko at napansin na bigla na naman ito nag-blink.

Wade:

Elle! Goodmorning, sorry kung nagising man kita. Nagaya sila Roxanne, tambay muna daw tayo sa bahay nila. Kung hindi ka busy, punta ka lang don

WoundedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon