"Ah, Elle." Tumingin ako sakanya at inabot ang sumbrero ko na hawak nya.Hindi ako makagalaw, hindi ko alam ang mararamdaman ko. Parang pinipiga yung puso ko. Mabagal gumalaw ang braso ko at inabot ang kamay para makuha ang sumbrero. Gusto ko magsalita pero walang lumalabas sa bibig ko.
Seryoso syang nakatingin sa'kin at tinanong. "Okay ka lang ba?"
Natauhan ako at tumingin sa bata at pabalik ulit sakanya. Pilit kong ngumiti at magtatanong sana, pero inunahan nya ako.
"Anak-" Naputol ang sinabi ko.
"Anak ko nga pala." Malamig at matigas nyang sinabi habang binubuhat ang bata, kitang kita ko ang pag-flex ng muscles nya sa braso. Lumaki lalo ang katawan nya, ibang-iba sa hitsura nya noon. Bago sya tumingin sa'kin nginitian nya at hinalikan sa noo ang bata. Agad naman itong pinawi ng bata at sumimangot sa daddy nya.
"Daddy!" Tumawa naman si Jayden.
Pakiramdam ko natutunaw ang puso ko ngayon. Masaya na s'ya, Elle. Sabi ng utak ko sa puso ko. Shit. Ang sakit naman. Masayang masaya na s'ya. Ako lang ata ang hindi nakakalimot. Halos anim na taon ba naman? Anim na taon, Elle. Ang dami nang nangyare. Sigurado may asawa na si Jayden, may anak na nga eh, diba?
Pinilit kong tumawa rin ng marahan pero parang pumipiyok ang pagtawa ko, mali 'to. Mali na nagpa-panggap ako. Ayoko maging masaya pero sige na, mahal kita. Masaya ako.
Nagiinit at nangingilid ang mga luha sa mata ko dahil sa mga nalalaman ko ngayon. Pero hindi ko pinahalata na naiiyak na ako, nag-smile ako sa bata at tumingin ito sa'kin. May binulong si Jayden sa batang lalake kaya agad naman nagpababa ang bata sa pagkabuhat nito at lumapit sa'kin.
Medyo maputi ang bata at medyo chubby. Tiningnan ko ang mukha nito at hinanap ang bakas ni Jayden. Halos pareho sila ng mata, very expressive. Medyo light brown ang kulay. Matangos ang ilong at manipis ang labi. Kay Jayden nga ito. Naisip ko.
Ang daming tanong sa utak ko na gusto ko agad ngayon masagot pero wala talagang tumatakas na sound mula sa bibig ko.
"What's your name, baby?" Sabay luhod para magka-level kami ng bata. Hinawakan ko sya sa pisnge.
"Jordan" Sabay ngiting labas ang ngipin. Napangiti rin ako. Napaka-charming rin, manang mana sa kanyang ama.
Agad kong niyakap ang bata at dinamdam ang yakap nya. Kung hindi ko mayayakap yung tatay mo, sa'yo ko nalang dadamdamin yung yakap nya. Sabi ko sa sarili ko.
Kumalas ang bata sa pagka-yakap ko. "Tita Elaine"
Nagulat ako kase alam neto ang pangalan ko. Hindi kaya kinekwento ako ni Jayden sa bata? Pano kaya kung alam neto ang nakaraan namin? Pero baka hindi rin, masyado pang s'yang bata para maintindihan ang lahat. Kumapit naman ako sa mga iniisip ko at umaasa na naalala parin ako ni Jayden.
"How did you know my name?" Natatawa kong sabi.
Agad naman sya tumingala at tumingin kay Jayden na seryoso at walang expression sa mukha. Napatingin din ako at nakita ang malalim nyang tingin sa'kin na agad nyang iniwas nung nagtama ang mata namin. Tumingin agad s'ya sa paligid bago tumingin kay Jordan.
"Sinabi ko, hehe" Pero halatang walang nakakatawa at hindi sya natatawa. Naginit muli ang mukha ko at napaisip, oo nga naman. Baket ka ba paguusapan ni Jayden, lalo na sa anak nya, diba? Elaine, ang assuming mo.