Onse

32 2 0
                                    

Matapos ang paguusap namin ni Naomi ay marami rin akong napagtanto. Oo, tama s'ya. Masyado siguro akong nagde-depend sa pangako namin na napako noon.

It's hard to set him free because he was the only guy I ever loved. It's hard to walk forward knowing that I still expect him to show me a bit of love even after all the pain. I am indeed a fool. Too foolishly inlove. Siguro minsan nga kelangan ko rin itaas ang walls ko, harangan ang puso ko?

Kaharap ko ngayon ang pagkain at nagmamadali akong ubusin ito dahil may lakad pa kami. Konti lang ang kinuha ko kaya nagreklamo si Tyler na kasalukuyan ay nasa harapan ko.

"Are you serious, Elle?" iritadong tanong nito habang nilalagyan ng pagkain ang plato ko.

"Eat more, kaya wala kang kalaman-laman." sambit pa nito. Ako naman ay busangot ang mukha dahil wala talaga akong ganang kumain.

Narinig ko naman ang pag-clear ng lalamunan ni Naomi na katabi ko. Halatang parang inaasar nya ako at nagtaas baba pa ng kilay. Agad ko s'yang sinipa mula sa ilalim ng lamesa.

"Aray, tangina!" napalakas ata ang pagsipa ko kaya napasigaw at mura sya. Nagpipigil ako ng tawa at nakita ni Naomi ang expression ko kaya sinuklian ako ng irap.

"Huh? Naomi, you okay?" nagaalaang tanong naman ni Tyler. His dark brown eyes were lost in the sight of Naomi's reaction. Tumango naman si Naomi at namula ang pisnge.

Ngayon ay agad nalipat sakanya ang pangaasar at bigla kong sumipol at natatawa. Pero muli ay inirapan ako ni Naomi at isang nagtatakang tingin ang natanggap kay Tyler.

Ako naman ngayon ang nag-clear ng lalamunan ang ngumiti ng nakakaasar. Inubos ko na ang pagkain at niyaya silang lumabas.

Sa loob ng sasakyan ni Tyler ay ako ang naka-upo sa shotgun seat, si Tyler ay seryosong naka-tingin sa daan at si Naomi naman ay busy sa likod, nakatitig sa cellphone. Dahil sa katihimikan ay hindi ko maiwasan mapatitig kay Tyler na nakakunot ang noo at naka-sunglasses dahil sa tirik na araw.

From the side, I could see the strong features of his jawline, his mole just at the corner of his lips, his jet-black hair that is messy but suits him. His lips were red, almost like nag-lipstick sya. Napalunok ako dahil sa pag-titig sa labi nito. Agad naman akong umiwas ng tingin.

Narinig ko syang napatawa ng marahan, bigla akong nagtaka dahil wala naman syang tinititigan kundi ang daan. Wala rin naman nagsalita saming tatlo.

"Why are you laughing?" banggit ko. Narinig kong may binulong si Naomi sa likod at nilingon ko s'ya. Pero naka-ngiting aso lang ito.

"Seriously? Nabibinge na'ko sa katahimikan, guys." iritadong tinaas ko ang kilay ko at naramdaman kong tumigil ang sasakyan. Napatingin ako sa labas at nakita ang maraming taong lumalabas at pasok sa mall. Saturday ngayon kaya siguradong busy.

"So, maiwan ko muna kayo ni Naomi pag-pasok natin. May fi-fitting lang ako ng mga bagong suits, medyo matatagalan 'yon." ngumisi si Tyler sa'kin. Tumango ako at umakmang lalabas ng sasakyan ngunit hinawakan nya ang kamay ko at hinila papalapit sakanya. Naramdaman ko ang dampi ng kanyang labi sa'king pisnge.

Namula ang pisnge ko at nanlaki ang mata. "Ingat ka, kayo. Babalikan kita mamaya." ani nito. Lumabas na ako sa sasakyan at nakikita ang naka-ngiting aso na si Naomi.

Binigyan ko sya ng death glare at hinila papasok sa mall.

"Elaine Francine Garcia and Tyler Rex de Vera! Tylaine? Frex? Elty? Ay!" kanta nito habang naglalakad kami. Kinurot ko naman sya sa tagiliran dahil sa inis.

WoundedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon