Disesiyete

68 6 2
                                    

READ AT YOUR OWN RISK.
------------------------------------

May asawa s'ya. May asawa. May asawa s'ya, Elle! Fuck your feelings!!

Hindi labis mawala ang lungkot at pagtataka ko sa sinabi ni Kobe kaninang umaga. Lutang ako at naka-upo sa labas ng bahay ni Roxanne, muling kasama ang mga kaibigan namin na nagiinuman at nagtatawanan. Wala pa dito ang boys at kalmado pa ang lahat.

Tumingin ako sa paligid at sumimangot dahil sa pagkabigo. Wala s'ya dito. Dapat masaya ka, Elle. Dapat komportable ka na. Lumingon ako mula sa pintuan palabas ng garden at may nakitang mga lalakeng nalalakad patungo sa'min. Tahimik ang lahat at sila lang ang bukod tanging naghihiyawan at nagtatawanan.

Parang galing rin sila sa ibang party dahil may kasama pa silang ibang lalake na iba na ang aura, parang mga nakainom rin.

Humahaba ang leeg ko sa kaka-linga ko sino man ang nandoon. Pero si Xavier, Wade, Kobe at iba lang lalake lamang ang nandoon. Walang bakas ni Jayden. Mabagal silang naglakad sa kung saan kami naka-pwesto at matalas na ang pangamoy ko sa alak, mukhang nakainom na nga.

"Mukhang may hinahanap tayo ah? Jayden ba?" panuya ni Kobe na dumeretso agad sa bench na naka-harap sa table kung saan may mga hard liquor at iba pang alak na imported. Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya kaya agad kong uminom ng hawak kong shot na vodka.

Medyo hindi ako sanay uminom dahil madalang lang naman ako maki-party noong nasa New York. At first, kinulong ko lang talaga ang sarili ko sa bahay kasi hindi ako sanay at nahihirapan ako umiwas sa pagka-depress. I was too busy keeping myself away from personal problems. Mga 4 years after ko mag-move sa New York ay ibinuhos ko lahat ng atensyon ko sa trabaho para makalimot.

"Hindi ko s'ya hinahanap, si-"

"Si Tyler ang hinahanap ni Elle, ano ba kayo!" ani Naomi na medyo matamlay at mukhang tinamaan na ng inininom nyang whiskey.

"Gaga, hindi. Chineck ko lang kung sino kasama nila" sabay turo sa boys na nagsisimula na magsalin ng alak sa kanilang mga baso.

"Ah, may hinahanap nga" sabi ni Kobe na nakangising parang aso habang pinagmamasdan ang pag-patak ng alak sa baso.

My god! What is he doing? Imposible talaga ang mga iniisip ko. Kilala ko si Jayden, matipuno 'yun at hindi kaya manloko ng babae. Although may history s'ya ng pagiging playboy noong highschool. 'Di katulad ng mga kaibigan naming lalake na sina Kobe ay dakilang womanizer parin.

"Baket na-late kayo? Asan si Jayden?" tanong ni Roxanne na nakatitig kila Wade. Nanunuyo ang lalamunan ko palagi tuwing binabanggit ang pangalan nya. Hindi ko maiwasan uminom muli ng panibagong shot.

"Galing kami dun sa bagong bukas na bar sa BGC, dami girls" taas kilay at pabirong sabi ni Wade. "Si Jayden, kasama namin kanina pero mukhang nag-enjoy"

Nasusuka ako sa naririnig ko. Oo, tanggap ko ang pagkahaling sa mga babae netong mga kaibigan ko. Pero ang masaksihan ko ngayon si Jayden na bumalik sa paglalaro nya sa mga babae... I can't kick it in. Fuck. He wasn't like this before I left. Alam kong hindi nya na kaya manakit ng babae. Could all this be my fault?

'Di ko mai-iwas ang nagaalalang tingin ko kay Wade na tuwang-tuwa habang kinikwento iyong pangyayare na nakita daw nila.

"I don't understand that guy, walang hirap sa babae" ani Xavier sabay inom sa baso. "Eh si Kobe halos maghubad na sa harapan para lang mapansin"

"Fuck you, man! Baket ako? Nananahimik ako dito" biglang lumipad ang middle finger nito at tinutok kay Wade. Tumawa naman silang lahat.

WoundedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon