Anim

46 2 3
                                    

3pm na nung nagdesisyon kaming pumasok sa bahay para kumain ulit.





Nagtitilian ang girls habang kine-kwento sa boys ang nangyare sa akin, pinagkaguluhan daw ako ng mga lalakeng foreigner na sina Clark, Chris at James na hula namin ay magkakapatid. Naimbitahan pa nga akong puntahan sila if ever pumunta daw ako ng London. Astig!





Nakangiti ako nung naalala ko ang expression ni Jayden. Pero ngayon ay kaharap ko sya at abala sa pagkain, nagmamadali ito.





"Anong nangyare sa'yo, Jay?" tanong ni Roxanne na sumusulyap kay Kobe na nagrereklamo sa sakit daw ng ulo. Natatawa ako.





"Ha? Wala." matigas netong sinabi at tumingin sya sakin pero umiwas agad.





Ang katabi kong si Naomi naman ay bumulong. "Nako, 'yang mga tingin na 'yan."





Natapos muli ang kainan at nagyaya na ang lahat pumunta sa may pool side para daw mag-picture. Pinahubad sa'kin ni Naomi ang suot kong dress kaya naka-2 piece nalang ako.








Nakarating kami sa pay pool at agad sumigaw si Naomi.








"Groupfie!" kaya lahat kami ay tumakbo sa may likuran nya, pero napansin ko na mabagal maglakad si Jayden. Nagulat nalang ako nung may biglang humawak sa bewang ko pero hindi ko na inintidi ito at nag-smile sa picture.








Hindi ko alam kung sino yung humawak pero grabeng kuryrente 'yon!








Tumalon silang lahat sa pool at agad naman akong nabasa. Medyo nagdidilim na rin kasi alas kwatro na. Lumusong din ako sa pool at lumayo sa mga kasama ko. Nasa taas kami ng parang isang hill kaya sa dulo ng infinity pool ay tanaw ang dagat sa baba.





Tiningnan ko yung sunset at sobrang mangha ako sa nakikita ko.





"Ganda." malamig na sabi nito. Jayden.





"O-oo nga." bulong ko naman.





Lumingon ako sa paligid at napansin na wala na pala kaming kasama. Naalala ko bigla ang nangyare kanina at agad tinanong sya.





"Okay ka lang ba?" lumingon agad s'ya sakin. Nangungusap ang mga mata nya.





"Baket naman hindi?" ngumisi sya ng nakakaloko. Kita ko ang pagigting ng panga nya at ang malalim nyang mata na walang expression kahit nakangiti sya.





"Nakita kita kanina." sabi neto. Namula naman ako at agad syang tumingin sa malayo.





"Ah." 'yun lang ang nasabi ko kasi alam ko naman ang ibig-sabihin nya. O baka naga-assume lang ako na nagse-selos s'ya?




Naramdaman ko ang pag-lapit nya kaya nanlambot agad ang tuhod ko. Ano ba 'to, Jayden?



Winisikan nya ako ng tubig sa mukha at tawang-tawa. Maging ako rin ay napatawa sa ginawa nya at ginantihan sya. Pero lumangoy s'ya papalayo sa'kin. 



I tried to chase him but he was a fast swimmer, so I looked like a dog trying to swim. Tawang tawa kami sa pangyayare. 



Tumingin ako sa paligid, napansin ko na bigla syang nawala. Ako nalang ang naiwan magisa dito, sa dilim. Agad nalungkot ang puso ko at tumigil sa kakatawa.

WoundedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon