Dose

39 3 0
                                    

Sinagot ko agad ang phone ko ng hindi ito tinitingnan.

"Elle." isang malamig na boses ang narinig ko mula sa kabilang linya.

Nanigas ako muli.

"Ah, hello?" nanginginig na sagot ko. Hindi na ako mapakali kaya lumayo ako sa kinatatayuan ni Naomi at Jordan na ngayon ay busy sa paglalaro.

"Baket ngayon mo lang sinagot? Kanina pa ako tumatawag."

"I didn't hear my phone, Tyler. I'm sorry."

Bago pa ito sumagot ay nakita ko sya na pumapasok sa loob nitong playroom. Ibinaba ko ang phone ko at nilapitan nya ako.

"You're with Jayden's son?" nangangambang tanong nito. Tumango ako at nilingon si Jordan.

"Does he know?"

"Hindi pa nga eh. Sinabi ko sa yaya na ako na ang bahala." tumingin ako sa sahig. Nagbuga sya ng hininga na dahilan ng kilabot na nararamdaman ko.

"Please don't call him yet, ako na bahala mamaya." tumingala ako at nangusap ang mga mata.

"But Elle, you can't just-"

"Please." sagot ko at naglakad patungo kila Jordan. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Tyler at ramdam ko rin ang pagsunod nya.

Nanatili kami doon sa loob at nakipag-laro, nagyaya si Naomi sa arcade at nag-agree naman kaming lahat. Sa bawat sulyap ko kay Tyler ay nakikita ko ang bakas ng pagaalala nya habang inaalagaan ko si Jordan. Nililingon ko s'ya pero iniiwas ko rin ang tingin ko dahil alam kong disappointed s'ya. Hindi ko alam kung baket, pero 'yun ang ramdam kong nararamdaman nya.

Nakaharap ako ngayon sa isang basketball machine, sa kaliwa ko ay si Naomi at sa kanan ay si Tyler. Kasama ko naman si Jordan sa isang machine kaya ako ang tumutulong dito. Hinahayaan ko syang mag-shoot at tuwing shoot nito ay niyayapos ako. Natapos si Tyler at si Naomi naman ay humahabol pa.

"Tulungan ko kayo!" excited at tuwang tuwang sinabi ni Tyler habang hinawakan ang bewang ko. Halos maestatwa ako sa kinatatayuan ko dahil sa paghawak nya doon.

Nang matapos ang laro ay natuwa kami sa dami ng score nila.

"Thank you, Tito Tyler!" sigaw ni Jordan habang niyayapos ito. Napatingin ako kay Naomi na nakatitig sa reaction ko.

"Pwede na," bumulong si Naomi at ngumisi. Hay nako! Gusto ko din naman mag-isip at ayoko talaga nung minamadali ko. My decisions are too primitive and confusing, I don't wanna make a mistake again and take all the blame. Nakakapagod narin.

Pagkatalikod ko ay biglang may humigit sa braso ko. Kinaladkad ako nito papunta sa isang corner.

"What the hell were you thinking?!" sigaw nito sa pagmumukha ko. Gulat na gulat ako sa pagbungad nito at di ko naiwasan kumulo din ang dugo ko. Nasa paligid kami ng maraming tao at pinagtitinginan kami.

"Teka nga, nasasaktan ako!" sigaw ko rin pabalik ngunit hinigpitan nya lalo ang paghawak sa aking braso.

"Nagaalala ako sa anak ko, Elle! Akala ko kung anong nangyare na!" binitawan nya ang braso ko at inis na ginulo ang buhok nya. Sumikip ang dibdib ko.

Hindi ako nagsalita at tinitigan lang s'ya.

"M-my wife is worried. Pwede mo naman ipag-paalam, Elle!" sinigawan nya ulit ako. Alam kong ngayon ay nangingilid na ang luha ko at tinitigan ko lang s'ya. He's humiliating me. Fuck, it hurts.

WoundedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon