"Elle, yung-" kita ko ang pagtitig nya sakin pero hindi nya ito itinuloy at lumapit agad s'ya sakin. Niyayanig na ang buong katawan ko, kitang kita ko ang mukha nya na malapit sakin.
Hindi ako makahinga ng maayos sa bilis ng pintig ng puso ko. He extended his left arm while resting the right on my seat, malapit sa legs. I could almost feel his touch tingling on my skin. Halos mapatili ako nung nakaharap ko na ang kanyang leeg. He smells like heaven, damn. Napakagat ako ng labi.
"Your seatbelt." marahan nitong sabi at inabot ang seatbelt na malapit sa bintana. I can feel his breath on my neck, crap. Sigurado akong mukang nabuhusan ako ng sili sa sobrang pula ko ngayon.
Hinayaan ko syang i-lock ang seatbelt ko at nung lumayo s'ya ay lumingon agad ako sa aking bintana. Gosh, what the hell is this? Do I even have the right to question? My heart is palpitating and it seems so right, but it should be wrong. The frustration I'm feeling right now is insane.
Nagsimula syang mag-maneho at nabalot ng katahimikan sa loob ng sasakyan. Lumilingon-lingon lang ako sa paligid at pasimpleng sumusulyap kay Jayden na nilalaro ang kanyang labi habang isang kamay ang in-control sa manibela. Nakakunot pa ang noo nya at focused sa kalsada. He looks so damn hot while driving. He looks like a greek god, infact. Ugh! Ano ba itong mga naiisip ko!
Hell, if you only knew Jayden! I've been murdering you with my deadly looks.
Suminghap ako at pinilit kalimutan ang mga iniisip ko. Tuwing tumitigil kami sa red light ay nakikita ko ang ulo ni Jayden na lingon ng lingon sa direksyon ko. Aaminin ko, naiilang ako pero kakaibang tuwa din ang nararamdaman ko sa puso ko. Dahil 'yon sa naalala kong nakaraan namin.
"Baby, are you comfortable?" tanong nya habang hawak ang kamay ko at hinahalikan ito. Ramdam na ramdam ko ang mga daga na naghahabulan sa loob ng tiyan ko. Tiningnan ko sya at nakapirmi ang tingin nya sa daan pero malaki ang ngisi.
Hindi ko mapigilan ngumiti ng napakalaki.
"Of course I am! I'm with you! Baket hinde?" natatawa ako at pinagmamasdan syang pinaglalaruan ang daliri ko habang hawak ng isang kamay ang manibela.
"Dapat lang." aniya. Tumigil ang sasakyan dahil nag-red light.
"Hmm, ikaw ha! May binabalak ka ba?" pero hindi nya ako sinagot at sumulyap sa'kin. Kitang-kita ko ang napaka pilyo nyang ngiti.
Pero bago pa ako maka-react ay sinundot nya ang tagiliran ko. Dahilan ng pag-talon at 'pag sigaw ko. Hinampas ko sya sa dibdib pero patuloy parin sya sa pag-kiliti sa'kin.
Nung halos maubusan na ako ng hininga sa kakahalakhak ay tumigil s'ya. Tiningnan nya ako ng seryoso.
"Gusto ko ganito ka palagi kasaya." bumaba ang tingin nya sa kamay ko na naka-intertwine parin sa kanya. Pinatong nya ang isa pang kamay at hinaplos ang ibabaw ng kamay ko.
"Mapapatay ko ang sarili ko kapag hindi ka na masaya sa piling ko." aniya. Binitawan ko ang pagkahawak nya sakin at dumeretso ang dalawang kamay ko sa pisnge nya.
"You, Jayden Nicholas Hernandez, will be the only guy in my life. 'Wag na 'wag mo kakalimutan na mahal kita." hinila ko sya at dumampi ang labi ko sa kanyang labi.
"I won't be." parang nagilaw ang mga mata nya at naka-ngiting aso s'ya ngayon.
"I want sons, Elle." hinawakan nya ang kamay ko na nakahawak sa pisnge nya. Kumalabog ang puso ko. Nagiinit rin ang mukha ko. Oh this guy, he's the only guy I know I would love right.