"You're safe now." bulong n'ya sa tenga ko. Pumikit ako at dinamdam ng init ng katawan nya.
Umiyak ako lalo, hindi ko na kaya pigilan pa ang emosyon ko.
Magkayakap parin kami. Sa sobrang higpit ng yakap nya, hindi na ako makahinga. Pero hinayaan ko s'ya dahil miss na miss ko na 'to. Miss na miss ko na ang init nya, yung amoy nya, miss na miss ko na s'ya.
"Anong pumasok sa isip mo at gumala ka ng ganitong oras, Elle?" galit na s'ya. Kung pwede lang sanang magpalamon sa lupa, nagawa ko na.
"E-eh, n-nakita ki-" pumipiyok ako at nauutal. Pero pinutol nya agad ito, humawak s'ya sa braso ko at itinulak ng konti.
Hinanap nya ang mga mata ko na hindi ko maitingin ng deretso sakanya. Itinaas nya ang baba ko para magtama ang mata namin. Pero tumingin ako sa malayo at kitangkita ko ang panunusok ng mga mata nyang malalim.
"Kung hindi kita nakita, Elle? Ano sa tingin mo mangyayare?" pasigaw netong sinabi at agad kumalas sa pagkahawak sa'kin.
Hindi ako makapagsalita dahil kitang-kita ko na galit s'ya. Kaya tumingin nalang ako sa buhangin at humikbi ng mahina.
"Bullshit!" sigaw nya at sumipa sa isang kahoy doon.
"Ipapakulong ko ang mga 'yon. Elle, pa'no kung may nangyare sa'yo?! Shit!" kitangkita ang pagka-frustrated nya at agad akong napatingin sakanya nung sinabi na ipapakulong ang mga 'yon.
"T-they were just drunk, Jay. Okay na ako." sabi ko habang nagpupunas ng luha.
"You're okay?!" lumapit ulit s'ya sakin. Bumilis lalo ang tibok ng puso ko dahil sa konting distansya namin.
"Sinong gago ang maniniwala na okay ka ngayon, Elaine!" agad nya akong hinila at niyakap muli. Jay naman! Panagutan mo na ako, please.
Hindi ako makapagsalita dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Baket hindi pwedeng ganito nalang, baket hindi pwedeng tayo nalang ulit? Iwan mo na yung asawa mo, o kahit maging kabit lang ako, Jayden. Iparamdam mo sakin 'yung pagma-mahal mo, kahit may kahati ako.
I shivered when I felt his lips on my forehead. Nanlalambot na ang tuhod ko. Hindi ko na kaya 'to.
"You were never safe." nagbuntong hininga sya at nakiliti ako.
"Never without me."
"A-ano?" nauutal kong sabi at nagpanggap na parang walang narinig.
Pero agad nya akong pinakawalan at naglakad papalayo. Fuck, ganun ba 'yon? Iiwan nya lang ako? Pinapaasa nya ba ako?
Hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya naiwan akong parang isang statue, hindi gumagalaw. Pero nakita ko sya na tumalikod ulit, papaharap sa'kin at nagsalita.
"I can't leave you here. Ihahatid na kita at kelangan ko pa asikasuhin 'yung mga gagong 'yun." Jay, won't you just stay with me forever so I know that I'm safe?
Nalungkot ako sa naisip ko at naglakad papalapit sakanya. Nakatingala sya sa langit at tila malalim ang iniisip. Nung nakarating ako sa kanya ay hinuli nya ang mata ko at agad syang umiwas ng tingin.