Dalawa

60 5 3
                                    




"Sorry, I'm late?" Matigas na sabi nito habang hinihingal.


Tyler. Tumingin ako sa likod at humawak sya sa bewang ko.


"I'm sorry I'm late, Elaine. I hope you liked my surprise!" Napangiti ako at agad naman nyang sinuklian ng malaking ngiti.


"I'm so happy." Bulong ko sa tenga nya at niyakap sya.


Narinig ko naman ang tilian ng mga kaibigan ko at pati mga staff pala sa labas ay nanonood na rin sa nangyayare sa loob ng office ko. Namula ang pisnge ko at lumayo kay Tyler.

"Kumain na tayo!"

Simpleng saluhan lang ang naganap at kwentuhan rin sa mga nangyare. Maraming college friends ko ang nagkatuluyan at nagpakasal na rin. Kinwento nila yung mga gimik nila at kalokohan narin habang nasa America ako. Hanggang sa na-open up ang rason kung bakit ako umalis.

"Ah, I really had to leave the Philippines eh. Medyo unstable talaga kalagayan... ng company." Napatingin sa'kin ang bestfriend kong si Naomi. Seryoso sya pero sinenyasan ko sya na 'wag magpahalata. Si Tyler naman sa hinigpitan ang kapit sa wrist ko.

Napapikit ako, walang alam ang mga kaibigan ko. Imbes na alalahanin ko 'yun, ngumiti ako.

"Andito na naman ako diba? Guys, past is past." Rinig ko na napabuntong hininga yung mga katabi ko.

Pagkatapos ng araw na 'yun, nagpaka-busy ako para hindi ko muna maisip ang mga nangyare sa araw na 'yun.

Katabi ko ngayon si Tyler na pansin kong sulyap ng sulyap sakin. Tagong napangiti ako at tumingin din sakanya.

We've been together for 6 years. S'ya yung tumayong kaibigan ko nung panahon na hinang-hina ako at walang tiwala sa sarili. 6 years and this guy was one of the reasons kung baket nakabangon ako. He was my temporary happy pill when everything else inflicted pain. Masaya ako kase may kaibigan akong handa akong pasayahin palagi.

"Are you okay?" Biglang tanong n'ya sakin. Nag-nod ako para sabihin na oo, agad naman syang tumayo at naglahad ng kamay sa'kin.


"Labas tayo, gusto mo? Kanina pa tayo dito sa office mo. Stuck ka pa dito sa bahay, dalawang araw na." Alok nya.

Oo nga, hindi pa ako lumalabas ng bahay kase ang daming paperworks na tinatapos. Nag-agree ako kay Tyler at dumeretso sa kwarto ko. Naligo muna ako ng madali at deretsong nagpunta ako sa walk-in closet ko at naghanap ng pinaka-simpleng outfit.

I wore an acid washed ripped jeans and a beige off-shoulder. Nagsuot lang din ako ng simpleng white Valentino. Pag katapos ay naglagay ako ng red-lipstick pati narin winged eye-liner. Tumingin ako sa dresser ko at itinaas ang buhok kong abot na sa pwetan, dark brown ito. Agad kong itinaas ito at nilagay sa isang pony-tail. Tumayo ako at naglakad papunta sa pinto.

"Elle! Are you done?" Sigaw ni Tyler mula sa ibaba. Binuksan ko naman ang pinto at nagulat ako dahil nasa harapan pala sya ng pintuan ko. Natawa ako at umatras dahil sa lapit ng mukha nya sa'kin.

Hinila nya agad ang kamay ko at nagmadali kaming bumaba ng hagdanan.

"Manang, paki-sarado po lahat ng pinto ah. Hindi ko po alam kung ano oras ako uuwi eh" nagmadali kong sinabi sa maid na naghihintay saming dalawa.

Pagkalabas namin ng bahay ay nandun din si Naomi. Niyakap nya ako at hinila papasok sa loob ng isang malaking van.

"Hala, anong meron?" Tanong ko, sobrang confused. Madami kami dito sa loob ng van.

WoundedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon