I couldn't find the right words because I am shocked. Pagma-mayari ni Jayden iyon?
"Hey, Elle. Did you close the deal with the Hernandez?" banggit ni Tyler at inilapag ang pagkain sa lamesa.
"Teka, baket hindi ko alam na kay Jayden 'yung resort na 'yun?" tanong ko.
"That's why I was hesitant to let Naomi take you to that place. Alam kong ganun ang posibleng mangyare." giit naman nito.
"No, no. I don't care about that. I mean, how?"
"How did he get that much?" tanong nya pabalik sa'kin.
"S'ya nalang ang natitirang tagapag-mana mula sa side ng nanay nya, Elle. Galit ang lolo nya sa ibang mga kamaganak, kaya nung namatay ang matandang Cuevas ay sa apo nya nalang nito binigay lahat ng ari-arian. Ibinenta nya naman ang iba and decided to start a resort. Paradie Élégante."
I am amazed. Clearly amazed. I didn't know that Jayden could handle such business?
"Baket, gusto mo rin ba bilhin yung resort na 'yun?" natatawa nyang sabi. I smirked and let out a giggle.
No, I'm proud of the man he has become. So powerful, brave and influential. His success is a prize for my failure and I do not regret that. If there is one thing I'm thankful of for letting him go, it is his success.
Nakangisi ako at naiimagine si Jayden. I'm proud of you, so proud.
"Elle, you don't have to accept the deal with them if you're not comfortable. Pwede natin i-cancel ang dinner meeting mo mamaya sa bahay nila." but I shook my head.
"Tyler, we can't put my personal life and profession in one box. I like this deal, they need help and they want our company. Hindi ba magandang idea rin na magkasama sa isang project ang dalawang malaking business?" sabi ko habang hinahaplos ang braso nya.
He let out a sigh at tumingin sa'kin. "I just don't wanna see you hurt."
He knows me well. Alam ko masasaktan ako sa makikita ko pero bahala na, I will try to keep myself intact.
"Mabuti pa, kumain nalang tayo kase may gagawin ka pa. I'll go straight home to get ready for tonight's dinner, okay?" agad akong sumubo at ngumiti sakanya.
Hinatid ako ni Tyler sa bahay at agad naman ako tumakbo dahil naisipan kong mag-bake para naman may dala ako para sa kanila.
Pagkatapos ay pumunta ako sa aking walk-in closet para makapag-handa para sa hapunan mamaya. Kahit gusto ko ay simple lang, hindi ko rin maalis sa isip ang itsura ng asawa ni Jayden.
Siguro kaya s'ya nainlove, dahil mas maganda 'yun. Maganda ang katawan, lahat na maganda sa kanya.
Halos mapapikit ako habang tinititigan ko ang sarili ko sa salamin. Payat ako, mula noon, hanggang ngayon. Maliit, at talagang madaling pagsawaan. Hay grabe! Naiinsecure ako, baket ganon?
Kumuha ako ng isang tight dress, kulay white ito. Off-shoulder sya. Sinuot ko ito at tumingin sa salamin. Too simple.
Kumuha ako ulit ng panibagong dress na medyo lose at mahaba. Light brown ang kulay neto. Tumingin ako sa salamin at muling pinagmasdan ang sarili. Nah, too formal.
Binalik ko 'yon sa kinunan ko at naghanap ulit ng bago. Nakita ko ang isang black jumpsuit na off-shoulder rin.
Agad ko itong sinukat at humarap sa salamin. Perfect!
