Kinaumagahan ay fresh parin ang sakit na nararamdaman ko kaya tulala ako. Maaga ako nagising at sa ngayon ay ako palang ang tao dito sa labas ng bahay.
Nagpahangin ako at pinagmasdan ang kapaligiran. I wish life could be this peaceful, I thought to myself.
Agad naman nasira ang pagmo-moment ko nung biglang may nag-takip sa aking mga mata.
"I missed you." malambing na sabi nito.
Nagtaka ako dahil hindi ko parin makilala kung sino ito.
"J-ja" pero naputol ang sasabihin ko.
Narinig ko ang mga tili ng mga babae mula sa bahay at narinig ang isang sigaw.
"Tyler!"
Napangiti ako at inalis ang kamay nya sa mata ko. Umikot agad ako at binigyan sya ng napakahigpit na yakap.
"I'm so glad that you're here! I missed you so much." madali at malakas kong sabi, sabik na sabik na ako makasama sya at ikwento lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.
Hinila ko sya papasok ng bahay at madaling inasikaso. Tuwang-tuwa naman s'ya sa sobrang taranta at abala ko.
Napansin ko na lahat ng tao sa paligid namin ay nakangiti at ako naman ay nakasimangot.
"Miss na miss mo ata ako, baby?" pabirong sabi ni Tyler. Nagulat ako sa sinabi nya at agad ko naman syang hinampas sa dibdib.
Napa-"aw" sya at tumawa bigla. Hinila nya ako mula sa bewang, dahilan kung bakit napa-upo ako sa hita nya.
Sumipol ang mga lalake at tumili naman ang mga babae. Tatayo na sana ako pero biglang may pumasok sa pintuan.
Jayden. He was looking at me directly. Bakas parin ang lungkot mula kahapon.
I tried to get up dahil naging uncomfortable ako sa posisyon namin ni Tyler. Pero muli akong pinuluputan ng braso sa bewang at nagsenyas na subuan ko raw sya.
Gulat na gulat ako at bumalik ang tingin sa may pintuan kung saan huli kong nakita si Jay. Pero wala na s'ya doon.
Hapon na ulit ngayon at huling gabi na namin ito sa resort. Napansin ko na hindi pala dito sa bahay natutulog si Jayden, baka may sarili syang bahay? O baka iniiwasan nya ako?
Nalungkot ako sa posibilidad na totoo nga ang mga naiisip ko.
Kasama ko ngayon si Tyler na agad hinigit ang kamay ko kaya magka-holding hands kami ngayon. Rinig na rinig ko ang bulungan ng mga kaibigan ko kaya namula ang pisnge ko.
Lumingon si Tyler sakin at ngumiting parang aso. Alam ko nasa isip neto, kinikilig 'to sa mga nangyayare. Pero ako, hindi ko maiwasan maalala 'yung nangyare nung isang gabi. Masakit.
Sobrang sakit.
Patungo kami ngayon sa dagat at nagaya sila mag-jet ski. Kahit pagod ako at walang lakas makisama, wala akong choice dahil nandito si Tyler.
Nagsigawan silang lahat nung makarating sa dulo ng coast at nakita ko rin ang mga jet-ski na sasakyan namin. Lahat sila may partner. Naomi at Xavier, Roxanne at Kobe, si Wade naman ay solo katulad ni Jayden.
