Kumain kami at nagyaya ang girls na magbihis, pero hindi naman ako nabasa kaya sinabi ko sa kanila na mauna nalang sila.
Halos boys nalang ang kasama ko ngayon at nababalot kami ng katahimikan.
"Elle, balita ko sikat na sikat ka daw si America." pabirong sinabi ni Kobe.
Napatingin naman ako sakanya at nag-smile. Sa gilid ng mata ko, nakikita ko si Jayden na seryosong nakatitig sakin. Nanlalabot ako.
"Hindi ah, sadyang magaling lang si Daddy kaya successful ang company." hiyang-hiya kong sinabi.
"Si Elaine pa, ang talino nyan eh." sa ngayon ay nakatingin si Jayden sa buhangin at nilalaro ito habang sinabi iyon.
Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o maiiyak. "Hindi naman, kaya nga nagaral ako eh diba?" pumiyok ang boses ko.
"Etong si Jay naman, successful Daddy na." tawang tawang binanggit ni Kobe habang hinampas ang braso ni Jayden.
Yung totoo, Kobe? Sinasadya mo bang maintriga kami?
"Father of a six year old, Jay. Proud of you, man!" hirit din ni Xavier na kaharap namin.
Natawa naman si Wade, "So ano, nakatali ka na talaga?"
Feeling ko hindi na ako kasali sa usapang ito kaya umakma akong tumayo para maiwan sila.
Tumingin ako kay Jay na nakangiti pero napawi agad ito nung nakita akong tumayo.
Sorry, hindi ko talaga kaya.
Nangungusap ang mata nya na parang sinasabi sa'kin na 'wag umalis. Nakita ko na 'yan. Tandang tanda ko yung tingin na 'yan.
"Hello guys, saya nyo ah! 'Di nyo kami hinintay" sigaw ni Roxanne.
Umupo si Naomi at tinapik yung upuan sa tabi nya. Pumunta ako doon at umupo sa tabi nya. Humilig sya sa balikat ko at napabuntong hininga ako.
Ang hirap magpretend na normal lang ang nararamdaman ko pero sige, magp-pretend pa ako. Tutal mukhang ako lang ang sumisira sa moments namin at ako nalang ang affected sa mga nangyare noon.
Napatingin ako sa kanila, lahat sila masaya. Baket nga ba hindi ko kalimutan muna lahat ang nakaraan at magsimula ulit? I should forget for a while. I need to enjoy and release the pain.
Naglabas si Wade ng isang JD, natilian naman ang girls sa paligid ko.
"Spin the bottle tayo!" sabay sabay sinabi ng mga boys, pwera kay Jayden.
Lumabas sila at napagdesisyonan na sa labas nalang maglaro. Sumunod kami at nilapag nila ang isang bote na walang laman sa buhangin.
Umupo kami sa log na at nagstart din sila ng bonfire.
Nights like this feel like I'm still in college. Still a college girl, badly, deadly inlove with a guy named Jayden Hernandez. Natauhan ako dahil naalala kong sinabi ko sa sarili ko na kakalimutan ko muna lahat.
Sinimulan nila i-spin ang bote at agad tumama ito kay Kobe.
Tawang tawa sila at tinanong sya, "Truth or dare, pre?"
