Halos mabaon ako sa lupa nung makarating na ako doon sa cottage.
Holy shit. Nanlaki ang mata ko nung nakita kung sino 'yung lalake na nakatalikod.
"Jay?" Nauutal kong sabi. Nakatingin s'ya sakin ngayon pero hindi nagsasalita.
Naalala ko agad na hindi nga pala maayos ang itsura ko dahil naka-two piece ako. Nainsecure agad ako pero hinila ako bigla ni Naomi papunta sakanya.
"Hey. Andito ka pala" Ngumiti s'ya. Baket ganun? Baket kalmado s'ya? Samantalang ako halos iwan na ako ng puso ko sa bilis ng pagtibok nito.
Napatingin ako kay Naomi na nagsesenyas na 'wag ko na daw kausapin. Hala? Posible ba 'yun?
"Oo eh, kinaladkad lang din nila ako" Tiningnan ko yung mga kasama namin. Bago pa s'ya nagsalita, hinila na agad ako ng magaling kong bestfriend na epal.
"Huy, baket ba ang hilig mong manghila? Grabe naman, kinakausap lang ako nung tao." Giit ko pero hindi sya nagsalita. Dumeretso sya sa mga kasama namin na nagtatampisaw sa tubig.
Ako naman, umupo lang sa buhangin. Iniisip ang muli namin pagkikita ni Jayden.
Talaga bang kelangan palagi kaming nagkikita? Kumikirot ang puso ko at pumikit. Talaga bang nakalimot ka na, Jay? Ako nalang ba yung kukumakapit? Ako nalang yung patay na patay parin sa'yo?
Napatalon ako nung bigla nalang nagwisik sakin ng tubig, biglang humapdi yung mata ko dahil napasok ito ng maalat na tubig. Napatili ako dahil sa hapdi at agad naman akong pinaligiran ng mga kasama ko.
"Hey, what's wrong?" Malaki at malalim na boses ang bumabalot sa paligid ko ngayon.
Napamulat ako dahil sa kaba. Nakita ko s'ya, nakaluhod sa harap ko at nagaalala ang mukha.
Tumayo ako.
"O-oo! Okay lang ako, hehe. Nasilam lang, si Nayo kasi!" Sabay tingin kay Naomi at binigyan ito ng death glare.
Napansin ko na hawak nya pala ang wrist ko, tumingin ako dito at bigla nyang binitawan, sobrang kakaiba talaga ang nararamdaman ko. Namumula na naman sigurado ang pisnge ko.
What the hell, Jayden? I should be mad at you for replacing me. Wow, Elle? Ikaw pa talaga 'yung galit pero ikaw ang nangiwan?
Umiwas ako sa tingin nya at naglakad papalayo. 'Di ko alam kung matatagal ako dito. Lalo na't kasama pa s'ya.
I decided to walk alone, naglakad ako across the coast line. Malakas ang hangin at lumulubog na ang araw. May nakita akong hammock na nasa dulo ng resort, pumunta agad ako 'dun at umupo.
Pumatak ang luha ko habang nanonood ng sunset.
Hindi ko parin talaga kaya, akala ko within 6 years, kahit sinabi kong hindi ako bibitaw, makakalimutan ko narin s'ya. Pero hindi talaga. Mariin kong pinikit ang mga mata ko at pinakinggan ang paghampas ng alon.
"Ikaw parin talaga. Baket ganun, mahal parin kita? Ang sakit, sakit." Humikbi ako habang binubulong iyon sa sarili ko.
Naramdaman ko ang yakap nya mula sa likod ko. Ang bango n'ya. Hinilig ko naman ang ulo ko sa dibdib nya habang ang baba nya ay na balikat ko. Nakikiliti ako sa paghinga nya kaya napangiti ako.
"I love you." Malambing nyang sinabi habang hinahalikan ng marahan ang leeg ko.
I smiled. I love this man so much, I don't know what to do kung mawala pa s'ya sa'kin.
