"Elle, it's never too late. We can go somewhere. You need to." pagmamakaawa sa'kin ng ama ko habang nakaluhod.
"Dad, I don't want to." pumiyok ang boses ko at hindi mapigilan ang mga luhang tumutulo sa aking mga mata. "I don't want to leave."
"Elaine! You're torturing yourself even more. Please, anak." sagot ng Mommy ko habang inaayos ang buhok ko na nakadikit sa pisnge ko dahil sa mga luha. Hindi ako makatingin sa kanila dahil sa sakit na nararamdaman ko.
"Elle, it's the only thing we're asking from you. Please, let's go to America." niyakap ako ni Daddy.
"Please." ani nito habang nakayapos sa'kin. Pinilit kong pumiglas pero hindi ko magawa dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon.
"I don't want to leave Jayden. I will never leave him." matigas na sambit ko. Hinigpitan ni Mommy ang yakap samin ni Dad at mahinang humikbi.
"But I'd rather die than find out that Jay is in pain. Mom, Dad." lingon ko sa aking nanay na basang basa ang pinsge dulot ng mga trayidor na luha.
"I would rather lose myself than lose him." matigas na sabi ko.
Namulat ako dahil sa pag-ring ng telepono ko. Ngunit dahil hindi ako makagalaw ng maayos dahil sa kaba, takot at gulat sa mga nakita ko. I had a dream. No. I had a nightmare.
Hirap na hirap akong huminga at parang tumakbo ako ng isang daang kilometro dahil hingal na hingal. Napa-upo ako ng maayos at humawak sa noo.
What was that? Of course. 6 years ago.
"Miss Elle! Si Naomi po ay nandito!" agad akong napatayo dahil sa sigaw ng maid. Pero bago pa ako sumigaw ay narinig ko na agad ang pag-bukas ng pinto ko at nakita ang bestfriend kong tumalon sakin para yakapin ako. Napahiga kaming dalawa sa kama at tumawa.
"Naomi, ano ba! Kakagising ko lang, banyo lang ako!" tumayo ako agad at ginawa ang morning routine ko.
"Wala kang nak-kwento sa'kin ah." nagtatampong bungad naman ni Naomi na sa ngayo'y nilalaro ang kanyang mahabang buhok na naka-braid at nakasandal sa may pintuan ng banyo.
"Anong ik-kwento ko?" natatawang sagot ko naman habang nagpupunas ng mukha, kaharap ang salamin kung saan ay magkatapat ang mata namin.
"Wow, Elle. You're acting as if we're not bestfriends! I'm talking about you ex. Heard you had dinner at his place last night?" naghalukipkip sya at nakataas ang kilay. Jusko, taray ng bestfriend ko!
"Yeah, I did. Business dinner lang naman 'yun, nothing personal, Nami!" sagot ko at nilagpasan sya habang lumabas ng pintuan.
"Asus! Business dinner daw, if I know. Para sa'yo date 'yon." mataray na sagot nito at nageye-roll.
"Hay nako, Nami! Diba ayaw mo na bumabalik ako kay Jayden? Baket ganyan ka ngayon?" inis kong sabi habang naghahanap ng pwedeng suotin.
"I might hate him but if he makes you happy, why shouldn't I be happy for you, too?" malambing na sabi nito habang naglalakad papunta sa kama ko para ayusin ito.
"Pero sa ngayon, nakaraan nyo na 'yun. Ayaw ko lang na nasasaktan ka ngayon kase alam ko kahit ilang years na 'yun, mahal mo parin s'ya." iritado nyang sabi. Napangiti naman ako dahil tagos sa puso ang sinabi nya ngayon.
"Grabe naman sa pagka-concern, bes! I love you talaga." pangasar akong nag-flying kiss sakanya kaya inirapan lang ako nito.
"Para ka kasing tanga minsan kung makatingin kay Jayden, akala mo ba hindi ko nahuhuli 'yon? Inilalayo na nga kita kaso masyado kang nahuhumaling sa lalakeng 'yun! Move on na, bes!" mabilis nitong sinabi sa'kin. Nalungkot ang puso ko kasi totoo ang sinasabi nya. Sa 3 years naming pagiging mag-nobyo ni Jayden at sa anim na taon naming paghihiwalay ay hindi parin ako natatauhan. Mahal ko parin s'ya.
"Nagusap kayo ng maayos?" ani ni Naomi. Tumango ako at inalala ang pag-uusap namin sa pool noong outing. "What did he say?"
Napapikit ako. "He didn't want to hear my side. He said he's happy." sinabi ko iyon at pumiyok.
"Forget him, Elle." aniya.
"Ang hirap kasi, Naomi. Ang hirap kasi alam ng puso ko na mahal na mahal ko s'ya, nasanay ako sa sakit na nararamdaman ko dahil alam kong parte 'yun ng pagmamahal ko sakanya. Nasanay na ako sa sakit, kahit gawin kong kalimutan ito, hinahanap-hanap ko rin." wika ko. "I have loved the pain he has inflicted in me. There's nothing else I could do but to continue. Alam ko, nagmu-mukha akong tanga pero 'yon ang gusto ko eh. Ang ipaglaban s'ya. Kahit malabo na, kahit pagod na, kahit sobrang sakit na."
"You know how much he means to me. He's my life, Naomi. I can't just let him go after 9 years of loving him. 9 years. That's nearly half of my existance! I'm 26 and I've loved him since I was 17. Wala akong ibang lalakeng minahal kundi s'ya! Hindi ko agad-agad maalis sa sistema ko ang buong pagkatao nya." napapikit ako sa hapdi ng mata ko.
Napabuntong hininga kaming pareho. "There's nothing wrong with trying to let go, Elle. You're pushing yourself to the edge and sa ginagawa mo ngayon? You're far further than the edge. May limitasyon 'yan, Elaine. Hindi dahil alam mong mahal mo, kelangan mo panindigan lahat? Think about yourself for once! You're destroyed, wrecked, reckless. And it's all because of him. He's got a family. Married, a father, successful business. Sa tingin mo may panahon sya balikan ang nakaraan nyo at makipag-ayos sa'yo?" malungkot na sagot ni Naomi. Pakiramdam ko ay tinutusok ang puso ko sa mga naririnig ko ngayon. Feeling ko tinatrayidor ako ng emosyon ko.
"Hindi mo kelangan ipilit ang sarili mo na kalimutan s'ya. All you do is release, slowly but surely. Release him, set him free. Elaine, you know yourself more than anyone. You know you deserve a lot more. You deserve the whole world, infact! As your bestfriend, I am going to help you. Pero kelangan mo rin tulungan ang sarili mo, I can't keep telling you what to do all the time. You need to start again, start fresh, meet new people. Sinasabi ko sa'yo, kung ayaw, may dahilan. Kung gusto, may paraan. I'm sorry for being harsh but it's what you need to hear. I love you and you know that. I just want the best for you as much as you want for me." ani nya habang seryosong nakatitig sa'kin at bigla akong pinuntahan. Mainit na yakap ang nakuha mula sakanya. I couldn't stop my tears from falling.
Kumalas sya sa yakap at hinawakan ang braso ko, keeping the same distance. Tumama ang malambing nyang mga mata na namumula sakin.
"Hindi porke't wala na si Jayden ay wala nang ibang lalake dyan, okay? Look at you! You're goddamn blessed. You have the beauty, brains, wealth, power, everything! You're almost perfect." sambit neto.
"Alam mo ba kung bakit almost?" umiling ako at napakagat labi. "Because you're stuck dreaming about your happy ending with someone who's forgotten you! Babe, ang daming may gusto sa'yo. You just need to open your eyes and stop comparing them to your ex. Nandyan si Tyler, Elle."
"'Wag kang magalala. Tutulungan kita, okay? Trust me. You will be happy." niyakap nya ulit ako ng mahigpit.
Kumalas kami sa yakap at pinunasan nya ang luha ko. "Ano ba naman 'yan? Pumunta ako dito para kaladkarin ka kase miss na kita. Naglagay pa'ko make-up 'tas buburahin mo lang pala." pabirong sabi nya at tumatawa habang pinupunasan ang luha nya. Nag-mouth ako ng "I love you" at s'ya rin.
I smiled. I love her. I love my bestfriend. More than anything.
Napalingon ako sa aking pintuan nung narinig ang katok at mahinahong pagsigaw ni Tyler mula sa labas.
"Ang tagal nyo naman dyan! C'mon, Elaine! Your breakfast is ready." sigaw nya.
"Tyler is there, Elle. Go and fix yourself, I'll wait for you downstairs." ani neto at binuksan ang pintuan.
Start fresh, Elaine. Start fresh.