PROLOGUE:
“Time starts now!” yan ang sabi ni Sir, hudyat na start na ang test sa Math, English, at Science. Opo may time po ang exam, kailangan matapos mo yung tatlong subjects sa loob ng tatlong oras.
Pinindot na niya yung button ng timer at kami naman nag-umpisa nang sagutin ang last tests para sa advancement exam. Ano yung advancement exam? At para saan yun? Maya ko na sabihin sa inyo pagtapos ko mag test!
Binuksan ko yung booklet at nilagay ko sa Math, dito ko magaling kaya umpisahan ko dito!
…
…
…
…
…2hrs 45 minutes na ang nakalipas, natapos ko na yung Math kanina pa 40 minutes lang yun! Yun Science naman 50 minutes, at eto ko ngayon English! Nangangamote ako, nu ba yan! Hindi ko maintindihan! Yung Science hindi ko rin masyado naintindihan eh!
TRIIING!!! TRIIIING!!
Ibig sabihin nun tapos na ang three hours namin! Sa 100 na tanong sa English 20 lang nasagutan ko! >< nakakhiya naman oh!
“Pens down!” sabi ulit ni Sir. Lahat kami binaba na yung pen namin at isa-isang kinuha ni Sir yung booklet at answer sheet namin. After niya makolekta lahat “You may go.” Sabi niya at ayun lumabas kami agad! Last day na din kasi ng school year.
Nasa labas na ko ng school papunta sa sakayan ng jeep. Oo nga pala yung advancement exam! Well yung pangalan ng school namin ay Fumizuki Academy Philippines. Opo kakaiba yung name nun school kasi sa Japan daw nag-umpisa yang school na yan at marami na yan sa ibang mga bansa. Matagal na yun totoong Fumizuki Academy (watch baka to test to shokanju), nung 2020 lang nagkaron dito.
Ngayon 2023 na pero hindi pa rin kumpleto yung facilities dito sa school. Sa Japan daw kasi eh may mga ‘summon beings’ ang bawat students. Ano yung summon beings? Para silang hologram nun students pero chibi version lang, tapos yung score nila sa exam sa bawat subject ay mare-record dun sa summon nila. Mas mataas yung score mas malakas yung summon nila.
Yung advancement exam ginagawa yun by the end of the year, dun ibabase kung anong section mo next year…at kanina hindi ko yun nasagutan ng maayos T.T…syempre yung top students mapupunta sa class A pababa yun hanggang F. F yung lowest section tsaka para gumanda yung room ng section F hanggang B pwede sila mag ESB (exam summoning battle) gamit yung mga summon nila, sa Japan yun ah!
Pero dito sa FAiP (Fumizuki Academy in the Philippines) walang summon beings kasi hindi pa afford at mababa pa yung technology…haist kaya ang na-adopt dun lahat pwera lang sa summon beings! Yun pa naman yung pinakamasaya T.T
So ako eto nasa harap ng bahay ko…sana naman maayos yung exam ko kanina :(
©2013-chibineko26
BINABASA MO ANG
I'm in love with an idiot!
FanfictionNaranasan niyo na ba ma inlove? nakita niyo na ba si mr. perfect? pero si Zoe hindi niya alam na si mr.perfect niya ay hindi naman pala ganoon ka-perfect. XD Bukod sa papakiligin ka, for sure mawawala din ang problema mo sa kakatawa. XD [NOTE: >>It...