Sixteenth Period- Class 1-D: Traveling Back to Philippines
[ZOE]
Binukasan ko ang pinto ng bahay namin at pumasok na ako sa loob. "Tadaima!" sigaw ko para ipaalam sa kapatid ko na nakauwi na ko.
"Okairi!" sigaw ni Zianne na nasa banyo pala. Siguro naliligo na yun, tinanggal ko yun sapatos ko at nilagay sa shoe rack.
"Kumaen ka na ba Zianne?" tanong ko habang paakyat sa kwarto ko. Sumagot naman siya at sinabing bumili siya ng pagkain sa convinient store.
Pagkarating ko sa kwarto ay humiga agad ako, parang pagod na pagod ako ngayon. Bukod sa nakaka-stress ang pagiging teacher ni Sir Raphael ay dumagdag pa yun bento. Haist badtrip! Humarap ako sa kanan ko at nakita ko ang isang picture na naka-frame sa side table ko. Kaming tatlo ni Zianne kasama si lola, tama buhay pa kasi si lola last year. Hmm last year, yun din yung taong lumipat kami dito ng kapatid ko sa Pilipinas. Ipinikit ko ang dalawa kong mata at inalala ang nangyari noong nakaraang taon.
a/n: Ang susunod na POV ay kunwari Japanese ^^ haha since flashback naman yun XD
MARCH 2022 Tokyo, Japan.
Kakatapos lang ng Graduation Ceremony ko sa Kannaduki Junior High School. At sa darating na tag-sibol ay highschool na ko! Nakakatuwa dahil pumasa ako sa first choice ko na school kaya panigurado magiging maganda ang highschool life ko! ^__^
Kahit na graduation ko ngayon ay hindi kami kumaen sa labas nila mama at papa, busy kasi ang tatay ko sa trabaho niya kaya nagluto na lang si mama ng masasarap na putahe. Pag-uwi naman ni papa ay may dala siyang malaking cake para sa amin ni Zianne. Kinder na nga pala si Zianne sa April! Masaya kaming nagkainan at nagkwentuhan sa bahay namin , nang biglang nagsalita si papa na hindi angkop sa topic namin. "Oo nga pala, naalala niyo pa ba ang lola niyo sa Pilipinas?" tanong niya saming magkapatid.
Umiling si Zianne bilang tugon. "Hindi ko na siya masyadong maalala Touchan." sagot ko, totoo naman kasi dahil hindi ko masyadong maintindihan si lola, yung lengwahe kasi ng Pilipinas yun gamit niya. Hindi naman ako maalam sa wika nila eh, dito ako lumaki at nagkaisip sa Japan kahit na purong Pilipino kami.
"Alam niyo matanda na kasi ang lola niyo, at hindi na rin siya magtatagal pa. Hinihiling niya na sana makita man niya kayo bago siya kunin ng Panginoon." sabi ni papa at mula sa masayang paligid ay lahat kami nalungkot.
"Hindi pwede Touchan maikli lang spring break namin, alam mo naman yun. Pagdating ng tag-sibol pasukan na namin ni Zianne." sabi ko.
"Ayun nga anak, napagdesisyunan namin ng Touchan mo na dun na kayo mag-aral at samahan ang lola niyo." sabi ni mama at nagbigay ng isang ngiti.
"Teka! Kasama naman namin kayo diba?" paniguradong tanong ko, nabitawan ko na nga ang hawak ko chopsticks eh. Umiling sila at dahil dun ay tumayo ako. "Hindi kayo kasama?! Ano papaliparin niyo kami ni Zianne pabalik ng Pilipinas ng hindi kayo kasama?"
"Anak, hindi ako pwede umalis mataas na ang posisyon ko sa trabaho. Hindi naman ako pwedeng mawala ng matagal ano." sagot ni papa, hawak pa din ang mangkok ng kanin niya at chopstictks.
![](https://img.wattpad.com/cover/9603165-288-k957798.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm in love with an idiot!
FanfictionNaranasan niyo na ba ma inlove? nakita niyo na ba si mr. perfect? pero si Zoe hindi niya alam na si mr.perfect niya ay hindi naman pala ganoon ka-perfect. XD Bukod sa papakiligin ka, for sure mawawala din ang problema mo sa kakatawa. XD [NOTE: >>It...