Twelfth Period- Living Expenses and the New Adviser.

207 17 30
                                    

Twelfth Period- Living Expenses and the New Adviser.

[CLARENZE]

        Nakarating naman ako ng school, kaso dinadamdam ko pa din yung tinapay. T.T Bakit ka ganyan Sir? Kawawa naman tuloy ako. Nasa shoe locker ako, at nakita ko si Princess. “Cess!” tawag ko sa kanya.

    “Clarenze!” gulat niyang sabi at halos mabitawan niya yung dala niya. Ah! Yung love letter dala niya! Tinago niya sa likod niya tsaka siya ngumiti, “Good morning Clarenze.” Nginitian niya ko ng pagkatamis-tamis. Naalala ko na naman yung nangyari nung Wednesday, yung love letter para kay Jayson.

        Pagtapos niya ko batiin ay umalis na siya. Siguro ibibigay na niya kay Jayson yun, kaso hindi na pala pwede inangkin na ni Kristeen si Son. Hmm Cess, ayoko nakikitang nalulungkot ka.

    “Aba ang aga mo ngayon ah!” lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Son. Tsk tong lalaking piling gwapo na to pa! “Oh ano nangyari sa inyo nung isang araw?”

        Naalala ko yung nangyari nun, hays. (=___=) kaya sakin tinatanong ni Son yan ngayon dahil absent siya kahapon. Nasobrahan ata sa stun gun tong bata na to. “Ayun sa loob ng dalawang oras napunta sa abyss yung pangkaen ko ng isang buwan.” Nag-umpisa na kami maglakad ng maisuot na namin yun indoor shoes namin.

    “Ang OA mo naman Renze hindi ka pa nga naka limang libo sa gastos mo nun eh.” Sabi niya habang pa-cool siyang naglalakad. Tss sipain ko kaya to sabay takbo ko kay Kristeen? “May binili ka naman siguro na game kaya wala ka ng pera sinisi mo pa kila Zoe.”

    “Eh ikaw Son, musta?” binuksan niya yung pinto ng room namin. Nanlumo siya bigla, mukhang hindi maganda ang nangyari ah. Umupo kami kung saan man at muli siyang nagsalita. “Alam mo naman na wala akong malay nun pumasok kami ng sinehan diba?” tumango ako habang nilalagay sa loob ng karton yung mga notebook ko. “Pagkagising ko, may nakita ako na nakatali na baka tapos pinatay. Nakaposas pa din ako, pero sobrang nanunuod si Teen kaya tatakas na sana ko kaso kinuryente na naman niya ko.” Kumunot yung noo niya. “Nang gumising ulit ako yun ulit ang naabutan ko na scene. Ang pinapatay na baka.”

    “Dalawang beses niyo talagang pinanuod. (-__-) Ang tindi ni Teen.” Sabi ko.

    “Hindi na ko nagtangka pang tumakas ulit baka mamaya makakita na naman ako ng pinapatay na baka.” Yun mukha ni Son ngayon yun tipong naiiyak na naiinis, dama kita Son.

    “Kawawa ka naman hindi mo man lang naumpisahan yung pinanuod niyo.” Seryoso kong sabi. Syempre sayang yun bayad no! “Hmm naalala ko naman yung pera ko. Pano ko magtatagal neto hanggang sa susunod na buwan?”

    “Ano bang ginawa mo sa pera ha?” humiga si Son sa lapag habang sinasabi niya yun.

    “Tayo!” tumingin kami sa nagsalita, si Zoe pala may hawak na walis. “Dun muna kayo sa labas at magwawalis ako. Yun isa kasi dyan hindi pinag-igihan.”

    “May pinapatamaan ka ba?” tanong ni Son habang nilalagay yun bag niya sa loob ng karton niyang desk.

    “Bakit tinatamaan ka ba ha?!” taas kilay na sabi ni Zoe. Naku lalabas na ko ayoko mabalian na naman ni Zoe, wala ko pambayad ng ospital.

*****

 [JAYSON]

        Nang makalabas kami ni Renze ng room ay dun namin pinagpatuloy yun pag-uusap namin. “Bakit hindi mo na lang ibenta yung mga games mo para may pera ka.” Tanong ko, isang puno na bookshelf ang mga games niya sa bahay no.

    “Anong mga pinagsasabi mo ha! Yun ang mga tinatawag na works of arts! At wala ng makakapalit dun! Kahit kalian hindi ko ibebenta yun para lang sa pagkaen!” nagpapadyak na sambit ni Clarenze.

I'm in love with an idiot!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon