Fourteenth Period- Lunch Box

147 17 21
                                    

Fourteenth Period- Lunch Box

[CLARENZE]

    “Ramones, buti naman at napagtanto mo na talaga kung ano ka. At nagkaroon ka na din ng lakas ng loob na magladlad.” Yun ang sinabi sakin ni Kalabaw habang papalayo samin ni Cess.

        Bakit niya kaya nasabi yon? At nakita ko yung suot ko! Nak nang! “HINDI AKO BAKLA!”

        Nasa school ground kami ngayon ni Princess at hinihintay matapos sila Zoe sa supplementary lesson nila. “Clarenze,” humarap siya sakin. “Sorry ah kasi nagpumilit pa ko sumama sa inyo. Pero ang saya ko talaga ngayon!” mahinhin niyang sabi. Hay ang ganda niya lalo na ngayong tumatama yung sikat ng papalubog na araw sa kanya.

    “Ayos lang nag-enjoy din naman ako, pati na rin si Zoe panigurado.” Oo nga pala naka-maid outfit pa din ako kasi na kay Asuka yung damit ko.

    “Wala ka pa din pinagbago Clarenze, katulad ka pa rin ng dati.” Nagulat ako sa sinabi niya, anong katulad ng dati? “Kahit nung mga bata pa tayo mabait ka na talaga. Tsaka sa ginawa mo ngayon na pakikipag-exam battle.” Teka alam niya ako yung nagplano talaga nun? “Sinabi sakin ni Jayson yun.” Huh si Jayson? “Alam mo ba natuwa talaga ko nung narinig ko yun.” Medyo namula siya. Hindi kaya?! Ok assuming na ko pero minsan lang, hindi kaya ako yun gusto niya? Teka yung letter.

    “Cess itatanong ko lang sana yung letter na sinusulat mo, hmm lo—”

    “Eto ba?” at pinakita niya sakin yung love letter. “Tama ka, chain letter to o minsan tawag ng iba depressed letter” HUH?! Nagulat ako, nung miyerkules lang pinipilit niyang hindi chain letter yun. “Alam mo ba na kapag hindi mo naibigay sa taong kailangan mong pagbigayan ang letter na ganito sa loob ng tatlong araw ay magiging depressed letter to? At yung sender ay mamalasin.” Nakangiti siya ng malungkot, hmm “Dumaan ang ilang araw pero hindi ko pa rin nabibigay. Wala kasi akong lakas ng loob.” Naawa ko bigla, hmm kung si Jayson yun, panigurado uurong talaga siya, si Kristeen ba naman yung kalaban niya.

    “K-kung gusto mo tutulungan kitang ibigay yan.”

    “Don’t worry, alam ko na dadating yung araw na maibibigay ko din to. Kaya pwede ba na supportahan mo ko hanggang sa dumating yung araw na yun?” tumingin siya sakin at nginitian ako. Napatango na lang ako sa kanya eh.

RENZE’S APARTMENT

        Nang makalabas na sila Zoe sa detention room ay umuwi na kami at ngayon nandito na ko sa unit ko. Gutom na ko pero itutulog ko na lang to, pero bago yun maliligo muna ulit ako.

        Pagpunta ko sa banyo ay binuksan ko yung shower pero walang nalabas na tubig. Takte mukhang naputulan na ko ng tubig ah! Buset! Buti na lang may drum dito sa banyo at nakapag-ipon ako. Kailangan kong tipirin tong tubig na to. Piste! ><

*****

[ZOE]

        Nasa bahay na ko ngayon at nakaupo sa sofa. “Nee-chan bakit?” umiling lang ako. Hay napagod ako kanina. Hmm kaso nga lang hindi naman umangat yung status namin ni Renze. Sa bagay hindi naman ako nagpapa-cute sa kanya. “Nee-chan I’m hungry.” Ginulo ko yung buhok ni Zianne at tumayo na ko para magluto.

        Tama si Mer dapat hindi ako magkagusto sa tulad ni Renze. Ang dense niya sobra, tapos kalaban ko pa si Cess sa kanya. Halata naman kasing may gusto yun kay Renze hindi lang ma-realize ng tangang yun. Pero on the other side buti nga hindi niya marealize yun kasi for sure talo na talaga ko. Naalala ko tuloy bigla yung first year kami. Nung unang magkita kami, hahaha kahit mukhang timang siya nun, grabe nainlove pa din ako sa kanya. XD

I'm in love with an idiot!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon