Tenth Period- One-on-One!

267 23 30
                                    

Tenth Period- One-on-One!

[CLARENZE]

        Hapon na at tapos na ang klase, pero ang section F ay pupunta pa sa auditorium para panuorin ang laban ni Jayson dun sa tomboy naming valedictorian. (=__=) Masakit pa nga ang katawan ko pero kailangan ko pa pumunta dun. Psh sa dinami-dami kasi ng babae sa Fumizuki si Asuka pa talaga ang napili!

        Nandito ako sa likod at sinusundan sila, dala ko pa din ang table na nakadikit sa kamay ko at medyo iika-ika kasi binalian ako ng amasonang yun. Psh. Ay alam niyo ba na epektib talaga yung glue na nabili ko! Tignan niyo nakadikit pa din yung paa ng desk ko pati yung kamay ko hehe. ^______^

    “Hoi Renze ano na naman yang nginingiti mo dyan? Mukha kang timang.” Sabi sakin ni Nick.

    “Suki mo ko tapos sasabihan mo ko ng ganyan? Regular customer ako no!” at tumango-tango lang siya na parang walang pake. Bwisit talaga tong lalaking puno ng L sa katawan!

    “Hoi lalaking tanga nasaan si Princess?” biglang tanong sakin ng amasonang si Zoe.

    “Aba malay ko! Hanapan ba ko ng nawawalang prinsesa?!” ayoko makita yung mukha niya, ang sakit-sakit ng binti ko dahil sa kanya. (T__T) Mangiyak-ngiyak na nga ko sa pagbaba kanina galing rooftop dahil yung mababaet kong kaibigan, hindi ko alam kung kaibigan pa ba ang tawag sa kanila, ay hindi man lang ako tinulungan hindi man lang naawa sakin. Bali na ang binti may desk pang nakadikit sa kamay ko. Naiiyak ako sa tuwing naalala ko yun. Isusulat ko yan sa liham na ipapadala ko sa MMK alam kong madaming maiiyak dun. (punas ng kaunting luha sa mata)

    “Baka gusto mong maging baldado ng tuluyan sabihin mo lang willing akong gawin yun.” Pananakot ni Zoe na nakataas pa ang kilay. “Hanapin mo si Princess!” at dahil ayoko pang mawala sa mundo ay sinunod ko si Zoe.

ROOM 2-F

        Pagbukas ko ng pinto ay nakakita ako ng prinsesa, nagsusulat siya sa marupok naming desk. Hay~ ang ganda niya talaga. Nilapitan ko siya. “Princess. (^^) ” Kaso busy siya magsulat. Ang ganda niya, ang haba-haba ng buhok niya pwede na siyang si Rapunzel, pero hindi ganun kahaba yung buhok ah! Grabe kayo edi napuno na yung room namin ng buhok diba? “Ano yan Princess?” tanong ko.

    “Clarenze!” at halatang nagulat siya, imbis na itabi ay napalipad niya yung papel malapit sakin.

        Nakita ko yung papel, mukhang stationary at kulay pink pa. Love letter ata ang sinusulat niya. Napahinto ako, hindi kaya si Jayson ang gusto niya?! (O.o) Hindi niya naman alam na ako yung nagplano nun eh, na ako yung concern sa kanya! Tsk! Agaw eksena ka talaga Jayson.

        Dinampot ko yung papel “Ano…mali ka ng pagkakaintindi…hindi yan ano. Ay mali! Pano ko ba sasabihin to.” Halata mong naguguluhan siya, nahihiya siguro siya na may nakakitang iba. Andito pa ang bag namin panigurado isisik-sik niya lang yan sa bag ni Jayson. Ang sakit bakit ganun? Tss. “Renze.”

        Tumingin ako sa kanya, mukhang problemado pa rin siya. Tiningnan ko yung hawak kong papel at nasipat ng paningin ko yung salitang ‘I love you’. “Bakit ka naman gumagawa ng nakakatakot na chain letter haha! ^____^ ” at inabot ko sa kanya yung papel, nakangiti ako. Ayoko kasi siyang tanungin pa.

    “Hindi mali ka ng iniisip.” Sabi niya. So love letter talaga. Wag niyo ko guluhin mga readers masakit ang buong pagkatao ko ngayon. T.T

    “Nandito ba siya sa section natin?” tanong ko. Naaalala ko, bata pa lang kami gusto ko na siya kaya nga naging malapit kaming magkaibigan eh.

    “Oo.” Mabilis niyang sagot. Psh si Jayson talaga yun. Akala ko wala na yung pagkagusto ko nung bata pa ko, dahil nandiyan naman si Asuka ko, kaso eto na oh!

I'm in love with an idiot!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon