Seventeenth Period- Class 1-D: The Four Idiots

140 8 6
                                    

Seventeenth Period- Class 1-D: The Four Idiots

    “Next  is Aquino, Jayson.” Sabi ng homeroom teacher namin. At tumayo ang isang lalaki na halatang kakakulay lang buhok dahil hindi normal ang pagkaitim nito.

    “Hala bakit natin classmate yan? Diba sanggano yan?"

    “Oo balita ko nga madalas nasa guidance yun sa East Junior High eh.” Yan ang bulungan nila habang papunta sa harap yung Jayson.

    “Jayson Aquino ng East Junior.” Ang tanging sabi niya habang nasa bulsa pa niya yung dalawa niyang kamay. Pagkatapos ay bumalik na siya sa upuan niya, maangas pa din ang aura niya.

         Hindi ko akalain na may ganyan din pala dito sa Pilipinas. Pero sabi ni papa hindi uso ang bullying dito, baka chismis lang yun. “Suzuya, Asuka.” Muling bigkas ng guro ko.

        Japanese siguro yun sa tunog pa lang ng pangalan malalaman mo na eh. Pagpunta niya sa harap ay napabulong naman yung mga kaklase ko ng ‘Ang ganda niya!’. Oo nga ang ganda niya, mukha na siyang anime ang puti kasi. “Asuka Suzuya, nice to meet you.” Sabi niya, uwaah mukha siyang nagniningning! Teka bakit siya naka-boys uniform? Hmm hindi lang siguro siya sanay sa skirt. Sabi nga ni papa mga konserbatibo ang mga babae dito.

    “Tejada?” muling sabi ni sir.

        Lumapit ang isang lalaki sa harap, hindi naman siya kakaiba tulad nung nauna na dalawa. Pero bakit siya may digicam? “Romnick Tejada, mahilig akong manili— wala. Yun lang.” at umalis na siya. Ang wirdo din pala nun.

        Dinaanan niya ko at nahulog ang digicam sa bulsa niya. Dinampot ako at inabot ko sa kanya. “Eto oh.” With matching smile pa.

    “Wala kang nakita naintindihan mo ba?” sabi niya sakin na may matalim na tingin. Napa-goose bumps ako pero hindi ko pinansin, baka nirerecord niya ang mga lessons kaya may dala siyang ganoon. Maniniwala ko kay papa.

    “Ramones.”

         May pumunta sa harap “Ako nga pala si Clarenze Ramones! Letter Z yun ah hindi letter C. Galing pala ko ng West Junior High! ^______^” sabi niya na may malaking ngiti pa, pero hindi bagay sa itsura niya.

        Hindi ko akalain na lolokohin ako ni papa para lang pumunta ako sa Pilipinas! Yung lalaking yun ay nakasuot ng sailor blouse at ang ribbon pa ay pink! Hindi naman yan ang uniform ng babae sa school na to ah! At ang malala nun may sapak na ata to sa utak dahil masaya pa siyang suot-suot yung damit na yun! Pinagtatawanan siya ng mga kaklase ko dahil sa itsura niya. “Tama na yan class, bumalik ka na sa upuan mo Ramones.” Ang tanging sabi ng adviser namin.

# DING-DONG-CLANG-CLONG #

        Lunch time na at lahat ng kaklase ko ay nagsitayuan na para bumili ng pagkain. May baon naman akong sandwich kaya hindi na ko lalabas, baka maligaw pa ko eh. Tahimik kong kinaen ang baon ko, hay naalala ko na naman si papa. Kainis sabi niya maganda at maayos dito, hmp!

        Tumingin ako sa relos ko sa kaliwang kamay at fifteen minutes na lang bago magbell. Nagulat ako ng mapansin kong madaming tao sa paligid ko, as in nakapalibot sila sakin lalaki at babae. “Zoe talaga bang tumira ka sa Japan?” tanong ng isang lalaki.

    “Oo kaya nga hindi siya marunong sa English diba?” at tumawa sila, huh bakit sila tumatawa? Wala pa naman akong sinasabi ah?

    “Ang sama niyo! *laughs* Zoe kelan ka dumating sa Pilipinas?” sabi ng isang babae.

I'm in love with an idiot!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon