Eleventh Period- First Date and the Bread
[ZOE]
“Jayson, our deal.” Sabi ni Kristeen at pumasok siya sa loob ng nakakahiya naming room.
“Deal?” sabi ni Renze “Ang sumunod sa utos ng nanalo ang natalo?” tumingin kaming lahat kay Asuka. Gosh kukunin niya talaga si Asuka?
“Sige, ano yun?” pagod na tugon ni Jayson.
Itinulak nila Renze at Nick si Asuka kay Kristeen at inilabas ni Romnick ang DSLR niya. “Huwag Kristeen masama ang maging tomboy!” sabi ni Renze habang may hawak ng lighting at sunod-sunod na nagflash ang camera ni Nick.
“Oo nga mali yan, tumingin ka sa paligid may makikita ka din na bagay sayo!” sabi ko at kinuha ko ang electricfan para humangin ang buhok nila sa picture. Aba kung mag pictorial sila edi gandahan na diba? Magaling kayang photographer yan si Nick haha! XD
Matapos ang ilang shot na magkatapat sila ni Asuka ay lumagpas si Kristeen at pumunta kay Jayson. “Jayson, be my boyfriend.” Nakangiting sabi ni Kristeen. Wow ha! Ang bilis lang teh? Kakasabi ko lang na sa iba tumingin? Napatigil kaming lahat, at nagulat sa narinig.
“Hindi ka pa rin sumusuko hanggang ngayon Kristeen?” naka-smirk na sabi ni Jayson. Ay gwapo lang tsong?!
“Kahit kelan hindi ako susuko, mahal pa rin kita Jayson.” Sagot ni Kristeen.
“Hindi ba pwede humindi ako?” Feeling gwapo ni Jayson oh! Jackpot na nga kay Kristeen eh! Maganda, matalino, at wag ka maganda talaga siya as in maganda! Bagsak ang buhok, hindi ganoong ka chinita matangkad pa! Bagay yung height nila ni Son!
“Nope I won the challenge, we had a deal. Kaya magde-date tayo ngayon.” Speaking of authority kitang-kita sa aura niya yun!
“H-ha? T-teka—” hinampas siya sa batok ni Kristeen at hinimatay siya. Hinatak siya nito palabas ng room at iniwan kaming naka-nganga. Kawawa naman si Jayson walang nagawa.
“Yun na yun?” tanong ni Nick.
“Well hindi naman pala siya tomboy, pero sure na aware siya sa beauty ni Asuka. Siguro akala niya may something sa dalawa.” Paliwanag ko habang tinatago namin yung lighting at electric fan.
“Ano ba mang diri ka naman Zoe! Ako at si Jayson! Parehas kaming lalake no!” angal na naman ni Asuka.
“Ano Princess…” tumingin kami sa nagsalita si Renze pala, bakit kaya? “Sorry ah, hindi ka namin nabigyan ng magandang room kahit na allergic ka alikabok. Actually mas lalo pa ngang lumala yung room natin.” Malungkot si Renze, nalungkot din kami bigla tama kasi siya.
“Hindi ah, maganda nga yung room natin eh. Kahit ganito to mahal ko tong section na to, lalo na at…” hindi ko narinig yung sumunod niya sinabi kaya nilapitan ko na si Renze at kinuha ang braso.
“Tara magdate na din tayo tulad ni Jayson!” sabi ko.
“Akala ko ba sa linggo pa yun? Wala na kong pera next month pa ang padala nila ate!” sagot niya sakin. Psh walang pera palusot mo!
“Hindi manunuod kami ng sine ni Clarenze!” at hinatak din siya si Princess
“Huh? Kelan pa ko nagkaron ng date sayo?” takang tanong ni Renze.
“Ngayon lang!” nakangiting sabi ni Princess. Kaya hinatak na namin siya palabas ng room.
“T-teka! Uwaaah pagkaen, tubig, kuryente! Wala na kong pera!! Tuloong!”
BINABASA MO ANG
I'm in love with an idiot!
Fiksi PenggemarNaranasan niyo na ba ma inlove? nakita niyo na ba si mr. perfect? pero si Zoe hindi niya alam na si mr.perfect niya ay hindi naman pala ganoon ka-perfect. XD Bukod sa papakiligin ka, for sure mawawala din ang problema mo sa kakatawa. XD [NOTE: >>It...