Thirteenth Period- Crepes and the Epic Date

180 17 27
                                    

Thirteenth Period- Crepes and the Epic Date

[ZOE]

    “Nee-chan okirou!” huh? Sino ba tong naalog sakin? “Nee-chan!” Umikot ako sa kama ayoko pa gumising eh. Bigla ko na lang naramdaman ang isang hampas ng unan.

    “Ano ba?!” napasigaw ako at nakita ko si Zianne na naluluha na. Hays natakot ko ata nung sumigaw ako. Hahawakan ko siya “Zianne.” Kaso biglang lumabas ng kwarto ko. Psh badtrip. Bumangon na ko at inayos ko yung kama ko, inilagay ko ang bear na binigay ni Zianne sakin dun sa ibabaw ng unan ko para kunwari siya yun nakaupo.

          Pagpunta ko sa sala ay nakita ko si Zianne na nakaupo na sa dinning table namin. Naiiyak pa din siya, hay naku naman. “Gomen ne Zianne.” At hinaplos ko yung buhok niya. “Ipagluluto ka na lang ni ate ng food ok?”

    “Kanina pa kita hinihintay eh, gutom na yun tummy ko. Sabi nun tummy ko rawr!” at nag-action pa siya ng rawr. Hay ang cute ng kapatid ko. Pumunta siya sa sofa at binuksan ang T.V, tumingin ako sa orasan 10am na pala. Late ako ng gising, naman oh!

        Habang naghihiwa ako ay may bigla akong naalala “Ah!” oo nga pala may date kami ni Clarenze ngayon!

    “Bakit nee-chan? Nahiwa mo yun finger mo?” sabi ng kapatid kong six years old. Humarap ako sa kanya at umiling. “Why are you smiling? Is it because of onii-chan?” napahawak ako sa mukha ko. Oo nga nakangiti ako, imbis na itigil ko ang pag ngiti ay mas lalo lang lumawak ang ngiti ko. Oo kaya late ako nagising kasi hindi ako mapakali kung anong isusuot ko ngayon! “Hoi nee-chan!” lumingon ako sa kanya at nakitang naka-pout na ito. “Si Renze-nii ba ang reason kung bakit ka ngumingiti?” tumango na lang ako. Hay mukha kong timang kahit anong pigil ko lumalabas pa din tong ngiti na to.

    “Zianne aalis ako mamayang mga 11pm kaya mo naman na dito diba?” tanong ko habang pinagpapatuloy ko na ang pagluluto.

    “Hai nee-chan. San ka ba pupunta? Kasama mo ba si baka-nii?” baka-nii? Baliw tong batang to ah. ‘Baka’ in Japanese means stupid, at ang nii or onii-chan ay kuya. Tumango na lang ako, ayoko ayawin masyado ang kapatid ko. “May date kayo? Hindi mo ba siya paglulutuan ng bento?” bakit ba ang daming tanong nitong kapatid ko ha?!

    “Hindi ko siya lulutuan ng bento kasi ililibre niya ko ok?” bento means packed lunch.

        Ipinagpatuloy ko yun pagluluto, at oo nagtataka kayo kung bakit madalas ang Japanese namin? Kasi dun kami lumaki ni Zianne sa Japan, dun pinanganak si ZIanne. Nandito kami ngayon dahil last year buhay pa si lola at gusto niya kami makita, kaso last November ay pumanaw na si lola. Hindi kami half-jap purong Pilipino kami no, nagtratrabaho kasi dun si papa kaya andun kami. Kaya din nasa section F ako ngayon dahil hindi ko maintindihan ang tinuturo last year, kadalasan kasi nasa English language yun mga subjects, at hindi naman ganun katutok ang mga Japanese schools sa English kaya ayan ang bagsak ko section F.

    “Zianne halika na dito kaen na tayo.” Kumaen na kami at pagkatapos ay pinaliguan ko na din si Zianne, actually sabay kami haha!

        Then ayun nagbihis na ko, maong shorts at blouse na may ruffles, alam niyo na hindi ako pinagpala na magkaroon ng malaking hinaharap. Flat chested talaga kasi ako. Then the next thing happened, nakaluhod na ko sa sahig. OMG sinabihan ko ang sarili ko na flat chested! (T.T) How dare you Zoe! Bakit mo pinapababa ang self confidence mo ha?! Totoo nga na ‘truth hurts’. Anong gagawin ko?! Kasama namin si Princess ngayon, for sure hindi ako mapapansin ni Renze dahil wala to! At napatingin ako sa dibdib ko. Uwaaah! “なぜ私は平らな胸のでしょうか?!” at sinuntok-suntok ko yun pader ng kwarto ko.

I'm in love with an idiot!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon