Second Period- That GUY
[CLARENZE]
# DING-DONG-CLANG-CLONG #
…tumunog yung bell ng school at napatingin ako sa malaking orasan ng school. Yung maliit nasa six at malaking kamay nakaturo sa twelve, napaupo ako sa kinatatayuan ko, nabitawan ko din yung bag ko. 6am palang?! Tapos narinig ko yung phone ko tumunog pag tingin ko yun alarm ko yun, 6am pa lang din sa cp ko.
“HUWAAAHHH!” sigaw ko sa sobrang badtrip! Hawak ko yung ulo ko na parang baliw dun, wala ko pake kahit sino makakita sakin. Bakit ganun? Dapat ngayon pa lang ako gigising eh! 8am pa yung umpisa nun klase, tapos wala pa kong ligo at toothbrush! Kaniis! Halos maiyak-iyak na ko dito.
Eh kung bumalik kaya ko sa unit ko? Maaga pa naman, makakaligo ako, toothbrush at makakaen! Tama babalik ako, (tumayo at lalabas na sana pero huminto) pero panu kung pagbalik ko late na talaga ko? Haist wag na lang nga! (umikot at tumuloy papasok) pero wala pa kong ligo mabaho na ko! (huminto at ngumiti ng malaki)
Hay ang sarap talaga maligo! Andito ko ngayun sa shower sa may gym nakapag toothbrush na din ako ^^ (habang pinupunasan ng towel ang buhok.) Dapat pala ganito na yung ginagawa ko dati pa para hindi ako ma-late. Kaso pagnakita ako dito ni Kalabaw detention room agad ang bagsak ko, kelangan kong maging maingat pag ganun hmmmmm.
Lumabas na ko agad ng shower room at tumambay na ko dito sa gym! Aba sayang maaga pa pala hehe matutulog muna koo, hehe i-a-alarm ko na lang yung phone ko ng 8am hehe para hindi ako ma-late. Talino ko talaga! ^^
Humiga na ko sa bleachers dito sa gym at matutulog na Zzzzzzz…zzzzzZ
#LOUD ROCK MUSIC PLAYING#
“Huwaah! Anu yun?” napabalikwas ako sa gulat at nakita ko yung phone ko nag-aalarm na. 8 na pala. Hehe epektib yun alarm tone ko ^^V sabi na magigising ako pag ganito alarm ko ee hihi.
Punta na ko sa room, ano kaya section ko? “Yan yung section at room mo.” Yan ang sabi ni Kalabaw sakin nung inabot niya un envelope. Hmm nasa bag yun eh. Kaya kinuha ko yung bag ko na ginamit kong unan kanina. “Alam ko dito ko lang sinalpak yun bago ko maligo eh.” Nalabas ko na lahat ng gamit ko sa bag ko nang na-realize ko na nasa pencil case ko pala nilagay yun. “Hehe ^^” nakuha ko! Bilib na talaga ko sa sarili ko, ang talino ko talaga! Akalain niyo yun tinago ko siya ng mabuti para hindi ko mawala. Baka sa class A ako mapunta nito!
Well gusot na yung envelope pero ayus lang yan! Binuksan ko na at nakita ko ang isang malaking F na parang brush ang ginamit para lang masulat. Hala bakit naman ako nasa class 2-F? Hindi ba nila napansin ang KATALINUHAN KO? Aba sa buong advancement exam may 15% akong sure na sagot! Ay 10% ata pero diba? Sana kahit B man lang? F ang worst class no! Syempre kahit na gusto kong sugurin yung matandang principal namin at mag reklamo ay hindi naman pwede.
# DING-DONG-CLANG-CLONG #
Ayan na ang bell kaya umalis na ko…makita pa ko ni Kalabaw dito eh! Umakyat na ko sa building, sa 3rd floor ang mga second year eh…panu ko nalaman? Hehe secret lang to ah? Nilibot ko kasi yung buong second floor at wala ko nakita na room ng second year hehe ^^
…
…hoi! Anung sinasabi niyo na ang tanga ko? Bakit purkit isang taon na ko dito nag-aaral sa FAiP dapat kabisado ko na yung buong school? Kasalanan ko ba na mabait akong tao at hindi ako gumagala tuwing vacant? Hmp! Kainis kayo, ako na nga naghihirap magkwento tapos tinatawag niyo pa kong TANGA? HOI! Hoi! Ano nga ulit?? (–__—)?
Habang naglalakad napansin ko yung Class A kasi naman ang ganda nun lagayan ng section nila, pati yun lettering.
…sumilip ako sa bintana nila at hindi ko napigilang “WOW!” dinikit ko yung mukha ko sa salamin para makita ng maayos yung room nila. Meron silang malaking screen! Yun ata yung board nila, tapos yung isang babae hinawakan yung board at! WATDA! “TOUCH SCREEN YUNG BOARD! O_O” tapos may library sila sa loob ng room, bakit may ganun? “System desk at reclining seat?? At may sofa pa sila! Hala meron din silang laptop!! O_o” hala gusto ko din nun! Tapos dun sa corner yung pinaka nakakainggit sa lahat!...
…
…meron silang sariling “SNACK BAR! WOW! Pwedeng kumaen ng snacks ang class A kahit kelan nila gusto!” may tumingin sakin na babae at yung mukha niya sobrang nandidiri. At nakita ko yung sarili ko sa salamin, at YUCK! Nahiya ako sa sarili ko, tulo laway pala ko (pinunasan yung laway sa mukha) dumikit pa sa bintana nila yung laway ko. Kaya umalis na ko…
…
…hoi kayo ah! Kung anu-anu na naman sinasabi niyo dyan ah! Ano? Paki ulit? Mukha akong tanga kanina? Makapagsalita ah! HOI alam kong inggit din kayo sa kanila! Naglaway din kayo tulad ko dahil wala kayong ganun sa school niyo! Mainggit kayo! MAINGGIT! Buti nga shinare ko pa sa inyo ee, makapag sabi naman kayo ng TANGA wagas!
Tapos nakita ko yung class B, sumilip ulit ako! Yung haba niya tulad lang sa class A pero medyo makitid, parang class A lang din siya pero wala silang sofa. Walang touch screen na board, wala din silang laptop at higit sa lahat walang SNACK BAR! Bleh buti nga senio :P
…
…ayan na naman kayo eh! Anong walang sense? Ano? Panu naging pareho yung class A at B kung kahit isa walang kaparehas sa class A? Aba nakakailan na kayo ah! Pwede ba kasi dami niyo satsat hindi pa ko tapos mag explain! ><
May projector sila no at white board na ang gamit nila! Next 2-C white board din kaso walang projector at yung upuan yung tulad sa mga universities yung mahahaba. Tapos 2-D ganto yung classroom ko dati eh! Yung katulad sa Japanese na school.
Then napunta ko sa old building…andito yung class E?? Hay kawawa naman sila L blackboard na yung gamit nila tapos armed chairs ang gamit nila.
Naglakad pa ako ng kaunti at ayun katabi ng section E ang room namin…
(0_0) << nanamamalik mata ata ako.
(>_<) << pikit.
(0_0) << dilat. HINDEEEE!
…WHOA! Napanganga ko, eto ba talaga ang room ko? Sa lagayan pa lang ng section nakakaiyak na, sira-sira tapos yung F na nakalagay eh papel na dinikit lang tapos ang nakalagay talaga ay letter E!
©2013-chibineko26
BINABASA MO ANG
I'm in love with an idiot!
FanficNaranasan niyo na ba ma inlove? nakita niyo na ba si mr. perfect? pero si Zoe hindi niya alam na si mr.perfect niya ay hindi naman pala ganoon ka-perfect. XD Bukod sa papakiligin ka, for sure mawawala din ang problema mo sa kakatawa. XD [NOTE: >>It...