First Period- Section F
JUNE (First day of school)
Yahoo~! I’m back Fumizuki Academy Philippines!! Ang haba nu ba yan! Nakikita ko na yung mga schoolmates ko naglalakad papunta sa school, yun iba naman nagbibike. Opo nagbi-bike, sabi kasi nung matatanda unusual daw pag nagbi-bike kasi dati puro commute lang ang mga tao dito. Well, may law na daw kasi na babawasan na ang mga jeep dito satin dahil nakakadagdag lang daw sa global warming, yun mga usok!
Malapit na ko sa gate and…WHAT THE? Bakit may pila sa gate? Meron bang nagbibigay diyan ng kung ano? O nagche-check sila nung palda? Well saktong 1inch above the knee yung palda ko. Pero ano pa bang magagawa ko kundi maki-pila kahit hindi ko alam ang nasa dulo nito. -_-
Ilang minutes din ako sa pila at nun nasa gate na ko mismo nakita ko yung Disciplinary Teacher namin na si Sir Raphael. Uwee bakit si Sir Raphael pa! “Pangalan.” Sabi niya sakin na taglay ang pagkalaki-laki niyang boses at nakakatakot niyang mukha. Malaki din kasing lalaki si Sir eh.
“Manalo, Zoe Mae.” takot kong sagot kay Sir. Naku sir kahit sukatin niyo pa yung palda ko 1inch above the knee yan.
Then may hinugot siya na maliit na brown envelope at ngayon ko lang napansin na madami siyang dalang ganun. Tapos inabot niya sakin yun hinugot niya na envelope. “Yan yung section mo, dyan mo din makikita kung saan yung room mo.” Sabi niya at tuloy na kong pumasok sa loob.
Hawak ko yung envelope at nakalagay nga yung pangalan ko dun, then I slowly opened it. Opo magaling na ko mag English dahil nag summer classes ako para lang gumaling sa English na yan! Then I looked at the paper in my hands see a big letter…
…
…
…letter F. Grabe nanlambot yung tuhod ko. Alam ko naman na hindi ko nasagutan ng maayos yung English at Science eh, pero nag-e-expect ako na kahit section E man lang ako. Kahit na mangiyak-iyak na ko anu pa bang magagawa ko? Eh eto yung result ng placement exam ko haist.
*********************
[CHANGE OF POV]
Hala! Late na ko! Last year din late ako eh, nu ba yan kakahiya naman oh! Sobrang late na ko oh wala akong kasabay na tiga-FAiP. Pagdating ko sa school gate nakita ko si Kalabaw (Sir Raphael) Naku *face palm* papagalitan na naman ako nito! “Good morning sir! Sorry I’m late!” sabi ko habang hinihingal pa ko.
Ang tagal bago nagsalita ni sir at tumingin siya sa relo niya. Patay hay late na talaga ko, hindi ako tumitingin ng diretso kay Kalabaw “Alam mo ba kung anong oras na, Clarence?” sabi niya haist talaga!
“Ahehe. Clarenze po sir. Letter Z po hindi C. ^^” Nakangiting sabi ko sabay kamot sa ulo. Di pa rin siya nagsasalita, nakatingin lang sakin. Patay na talaga oh! Pinagpapawisan ako oh! “Pagbigayan niyo na ko sir kahit ngayon lang. (-/\-) Sa sobrang pagmamadali ko wala pa kong ligo oh tsaka di pa ko nakakapag toothbrush! Dinala ko na lang tuloy yun—“ hindi ko na natapos yung sinasabi ko at pati yung pagkuha ko sa toothpaste at toothbrush ko.
“Clarenzzze…” hay patay na talaga ko hay naku talaga! “…alam mo…” tapos nilagay niya yung kamay niya sa braso ko. Jusme tanggalin mo yan! Ayoko mapunta sa detention room first day of class pa naman! “…ngayon napatunayan at nakasigurado na talaga ako na ikaw, Clarenzzze Ramones ay isang malaking TANGA!”
“Grabe ka naman Sir purkit late na ko sasabihan mo na ko ng ganyan??” tapos binitiwan niya ko at may inabot na evelope.
“Yan yung section at room mo.” At tinulak na niya ko papasok ng gate. Tinignan ko yung envelope nakasulat dun yung pangalan ko at biglang…
# DING-DONG-CLANG-CLONG #
…tumunog yung bell ng school at napatingin ako sa malaking orasan ng school. Yung maliit nasa six at malaking kamay nakaturo sa twelve, napaupo ako sa kinatatayuan ko, nabitawan ko din yung bag ko. 6am palang?! Tapos narinig ko yung phone ko tumunog pag tingin ko yun alarm ko yun, 6am pa lang din sa cp ko.
©2013-chibineko26
BINABASA MO ANG
I'm in love with an idiot!
FanfictionNaranasan niyo na ba ma inlove? nakita niyo na ba si mr. perfect? pero si Zoe hindi niya alam na si mr.perfect niya ay hindi naman pala ganoon ka-perfect. XD Bukod sa papakiligin ka, for sure mawawala din ang problema mo sa kakatawa. XD [NOTE: >>It...