Third Period- Class F

590 67 100
                                    

Third Period- Class F

[CLARENZE]

…WHOA! Napanganga ko, eto ba talaga ang room ko? Sa lagayan pa lang ng section nakakaiyak na, sira-sira tapos yung F na nakalagay eh papel na dinikit lang tapos ang nakalagay talaga ay letter E!

    “HAY.” Binuksan ko yung pinto, at ayun mas nakakaiyak pala sa loob T.T

        Yung table ng teacher parang bibigay na! Yung desk namin, hmm yung ano…yung bilog….may ganyan kami sa bahay eh…ayun coffee table. “Ito pala ang tinatawag nilang caste system!” bulong ko sa sarili ko habang naka-clench yung kamao ko.

    “Oh Mr. Ramones umupo ka na.” siya din yung homeroom teacher ko last year eh.

    “Ah sir san po yung desk ko?”

    “Kahit saan.” Ayown oh! XD walang seating arrangement! Ayus!

        Bago ko pumunta sa gusto kong upuan eh sinara ko muna yung pinto sa likuran ko.

* BOOG!! *

        Ay medyo napalakas yung pagsara ko.

* BOOGSH!! *

        At yung blackboard namin ay bigla na lang bumagsak! Nanlaki yung mata ko, grabe ang rupok ng room namin! Yung board bigla na lang bumagsak! “Ah sir sorry.”

    “Hayaan mo na at pumunta ka na sa upuan mo.” Sabi ni sir na parang walang nangyari?

        Pumunta na ko sa upuan dun sa dulo na malapit sa bintana, sa lapag lang kami nakaupo! Samantalang yung class A sa sofa!

…ano? Paki ulit? Oo na tama na kayo! Panget yung room ko! Mas panget pa sa room niyo! Hmp! Kala niyo dyan! Hmp!

        Well hindi naman kami sa lapag talaga mismo nakaupo, may cushion naman. Yung katulad nung sa Japanese, yun inuupuan nila pag sa lapag sila nakaupo. Umupo na ko at… ARAY! Kinuha ko yung cushion, eh punda lang ata to eh! “Sir walang laman na cotton yung cushion.” Sabi ko kay sir habang pinapakita yung cushion sa kanya.

    “Hayaan mo na lang.” dahil sa sinabi niya ay hinayaan ko na lang at inupuan ko na lang ulit yung ‘cushion’ daw.

* BOOGSH!! *

        Hala! O.o yung salamin ng bintana! “Sir yung bintana po nabasag yung salamin.” At tinuro ko yung bubog dun sa tabi ko.

    “Hayaan mo na lang.” emotionless niya pa ding sabi. Panu na yung aircon? Hindi na malamig sa room >.< sayang tuition fee!!

        Nilapag ko ang bag ko sa ‘desk’ daw, tapos umalog yung desk, hindi ata pantay ang paa nito eh.  =__=

        Tapos biglang nag slow-mo at ayun! Natuluyan ang desk ko! Putol ang isang paa! Di ata kinayanan yung laman ng bag ko na toothpaste, toothbrush at tuwalya. “Ah Sir yung desk ko po.”

    “Hayaan mo na lang.”

    “Ano?! Edi wala akong masusulatan?” kainis na kasi eh!

    “Hahahaha!!” letcheng to tumawa pa! “Joke lang! Haha! Eto oh.” At naglabas siya ng…mighty bond?! “Tsaka di niyo naman kelangan ng desk eh, pwera na lang kung exams na.” aba nakakainsulto to ah!

        Pagkalapag niya ng mighty bond…ayun! Bumigay na din ang teachers table. May anay na ata yung mga gamit dito. “Ipapaayos ko yan kaya sa ngayon self study muna kayo.” Galing naman oh! At ayun lumayas na siya ng room namin.

        Pumunta ako sa unahan at kinuha yung mighty bond mula sa ruins nung teachers table at bumalik na sa upuan ko. Kinuha ko yung putol na paa nung ‘desk’ ko tsaka ko napag-isip-isip kung gagana kaya yung mighty bond? Haish bahala na!

    “Yoh!” napatingin ako sa kanan at nakita ko ang kaibigan kong feel at home dahil nakahiga siya sa maalikabok naming room.

    “Andito ka din Jayson?” at pinagpatuloy ko ang pagdidikit ng ‘desk’ ko.

    “Sa kasamaang palad, oo.”

    “Naku hindi naman ako nagtataka kung andito ka no! Nung last year pa lang alam ko ng dito ang bagsak mo!” YEY!! Nadikit ko yung desk koooo! Halos kuminang yung mata ko sa sobrang saya na naayos ko tong desk ko.

    “Sa dinami-dami ng classmate natin sayo ko pa maririnig yan?! ANG KAP—”

    “Mr. Ramones! Meron nga pala akong mga bagong items para sayo!”

    “Romnick!! Dito ka din napunta?” hay heaven pala dito eh!

©2013-chibineko26

I'm in love with an idiot!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon