Eighth Period- Agreement
“Madam, class F ended winning to the exam battle against class E.”
“They’re better than I thought.” Sabi ng principal na nakatingin sa bintana. “Siguradong naiinis ang class E dahil pumanget na yung room nila. Panigurado mas mag-aaral na sila nyan ng mabuti para lang mabawi yung room nila.”
“Actually ma’am, ni-request nila na hindi na magpalit ng facilities.” Sabi ni Sir Lazaro, yung teacher na kasama nung exam battle.
“Ha?!” gulat na sinabi ng principal.
_________
“Anong ginagawa niyo sa t-shirt ni Jayson?!” sigaw niya sa mga batang lalaki. Ano bang ginagawa nitong mga to?
May hawak itong t-shirt, P.E t-shirt, at sinusulatan nila ito ng pentel pen. “Aba! May kaibigan din pala yung mayabang na yun?!”
Bigla na lang nag-fast forward…wala na kong marinig…kinuha niya yung t-shirt, nainis yung mga batang lalaki. Tinulak-tulak nila siya, tapos may naaninag ako sa gilid ko. Isa ulit na batang lalaki, tinitigan ko at nakita ko ang sarili ko, ang batang ako. Tumalikod ang batang ako at iiwan siya.
“Hindi mo ba siya tutulungan?” tanong ko.
“Bakit ko naman siya tutulungan? Isang katangahan yun, at hindi ako tanga. Mapapahamak lang ako diyan.”
“Sa bagay tama ka, kung tutulungan mo siya mawawala ang pagiging model student mo. Running for valedictorian ka diba?”
“Oo, tsaka kasalanan naman niya kung bakit siya nandiyan. Masyado kasing pakelamera. Ang tanga pa, alam nang delikado nakigulo pa din.”
Sumandal ako sa pader at nag-crossed arms, “Oo nga ang tanga niya. Pero di mo ba naisip na kaya siya nandiyan ay dahil din sayo?” tumingin siya sakin. “Katangahan mang matatawag, pero ganyan talaga pag mahalaga sayo ang isang tao.”
“Kahit anong sabihin mo hindi ako tanga para makigulo diyan!”
“Gulo na ikaw ang may gawa.” Yumuko ang batang ako, “Ganyan talaga pag matalino, madaming excuses na ginagawa.” Tiningnan niya ko ng masama, “Ano bang mas pipiliin mo; maging matalino na wala pakialam sa iba o isang tanga na walang pakialam kahit masaktan siya maipagtanggol lang yung mga taong nagpapahalaga sayo at itinuturing kang kaibigan?”
Tumalikod na ko, alam ko naman na kahit anong pagmamatigas ang gawin ng batang ako, (tumingin sa loob yung younger Jayson at nakitang susuntukin na siya.) kapag isinigaw niya ang pangalan ko…
…
…
…magpapaka-superhero ako sa ayaw o gusto ko, tulad ng mga tangang tagapagtanggol ng bayan na sumusugod kahit na dehado sila….
“JAYSOOOOOONN!!!!”
-----//-----//-----
Minulat ko yung mata ko, panaginip lang pala. Sa dinami-dami ng pwedeng mapanaginipan, bakit yun pa?
Tumayo ako at tiningnan kung anong oras na. 6:30 na pala ayon sa digi-clock na nasa tabi ng kama ko. Dumiretso na ko ng C.R para mag-asikaso, baka ma-late pa ko.
Yeah, when I was in elementary they called me ‘child prodigy’ o sa madaling salita, genius. Pwede na nga ako mag-accelerated eh, yung mga tumatalon ng taon sa school. Pero hindi ko pinili yun kaya naging running for valedictorian ako. Siguro nakakapagtaka na nasa section F ako ngayon? Well, that’s another story na ayokong pag-usapan.
BINABASA MO ANG
I'm in love with an idiot!
FanfictionNaranasan niyo na ba ma inlove? nakita niyo na ba si mr. perfect? pero si Zoe hindi niya alam na si mr.perfect niya ay hindi naman pala ganoon ka-perfect. XD Bukod sa papakiligin ka, for sure mawawala din ang problema mo sa kakatawa. XD [NOTE: >>It...