a/n: book cover by : @DaCrazies salamat ng madami :)
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
Fourth Period- The Photographer and the He-She
[ZOE]
Pagkakita ko sa katakot-takot ko na section, nagmadali akong pumunta sa room. Nakakaiyak yung itsura nung room pero mas naiyak ako nang isa-isa kong tiningnan yung mga pumapasok, ako lang yung babae. Nakakaiyak naman to!
So ako ang pinakabobong babae sa buong school? Grabe naman!
30 minutes later, dumating si Clarenze, at epic ang entrance ng lalakeng yun! Kaya ayan umalis ang teacher namin!
“Wow! Ibang klase ka talaga Romnick!” yan ang sabi ni Clarenze habang isa-isa tinitingnan ang mga hawak niyang pictures. Alam niyo bang hindi libre yan? Binibili niya yan ay Nick, buang-buang talaga tong si Renze eh! “Saludo talaga ko sayo!” at biglang may pumatak na liquid sa sahig…EWWW!! Laway ba yun?
Anong picture ba yun at pinaglalawayan? Dahan-dahan akong lumapit sa likod niya at tinitingnan yung mga pictures, kaso ang likot ng ulo ng batang to! Teka ba’t parang puro stolen shot, pero hindi ko pa rin makita kung sino yung nandun.
“Ah!” sabi ni Jayson nung nakita niya ko pero sinenyasan ko siya na tumahimik.
“Bakit?” si Clarenze yun.
“Wala.” Sagot ni Jayson na may pailing-iling pa.
“Wag mong sabihin na gusto mo din nito?! Hoy Son bumili ka no! Wala kong balak makipag-share sayo!”
“Itulad mo pa ko sayo? Hindi ako ganun katanga para bumili niyan no!”
“Eh magkano ba yan Renze?” singit kong tanong kay Clarenze pero nasa likod niya pa din ako.
“Fifty pesos per picture! Ang galling ni Nick no? Tingnan mo at kitang-kita ang—”
“Fifty pesos?! Ano ba yang picture na yan at fifty pesos ang isa?!” hahablutin ko na sana yung hawak niya, kaso na-realize niyang ako yung nagtatanong kaya ayun natago niya agad! Psh sayang!
“Z-Zoe ikaw pala! Ahahaha!” pilit niyang tawa tapos ay ngumiti siya na parang tanga. “Ah……ahahaha section F ka din? Wahahahaha!” nagpantig yung tenga ko nung narinig ko yun! Akalain mo yun? Sa dinami-dami ng classmate namin siya pa ang may lakas ng loob na mang-asar ng ganyan? Eh siya nga ata yung pinakabobo samin last year sa section namin?!
“Aba’t ang lakas ng loob mo ah! Ikaw pa ang may ganang mang-asar dyan?!” tulad ng nakagawian ay ni-wrestling ko siya! Hinead lock ko pa siya…epal tong panget na to!!
“Aray Zoe! Masakit!” sabi niya habang pilit na kumakawala sa pagkaka-head lock ko sa kanya.
Short info lang ha, nag-aral ako ng judo kaya magaling ako sa ganito. Panung head lock yung ginawa ko? Inipit ko lang naman yung leeg niya sa may kili-kili ko. “Zoe! Masakit!”
“Ayan na naman sila.” Sabi ni Jayson at umiling-iling siya, at muli na namang dinama ang sahig ng room namin. (in short humiga po siya ulit.)
“Kaya mo yan Clarenze! Pumalag ka pa!” si Romnick yun na hawak ang camera niya. Pero bakit ganun? Nasa bandang ilalim namin siya? “Konti na lang Renze tataas na yung palda niya! Ready na kong pindutin yung shutter!” letse tong lalaking to ah!
“Wag Nick hindi ko gusto yung kay Zoe! Yung kay Asuka lang gusto kooo!” si Renze na inaabot pa si Romnick. At tutal nasa may paanan ko naman na siya ay sinipa ko sa mukha si Nick.
BINABASA MO ANG
I'm in love with an idiot!
FanficNaranasan niyo na ba ma inlove? nakita niyo na ba si mr. perfect? pero si Zoe hindi niya alam na si mr.perfect niya ay hindi naman pala ganoon ka-perfect. XD Bukod sa papakiligin ka, for sure mawawala din ang problema mo sa kakatawa. XD [NOTE: >>It...