Ninth Period- Rumors
[ZOE]
Lunch
“Ano nang plano mo Son?” tanong ni Renze, oo nga pala nasa roof top kami ngayon para mag-lunch. At dahil nakadikit pa din ang kamay ni Clarenze sa desk niya, edi instant table kami diba? Haha may pakinabang yung pagiging tanga niya kahit minsan.
“Wag kayo mag-alala mananalo tayo.” Confident na sabi ni Jayson na katabi ni Clarenze.
“Sigurado ba kayo dito? Alam niyo bang may mga kumakalat na sabi-sabi tungkol kay Kristeen Santiago?” sabi ni Asuka. Wow hindi ko alam na may pagka chismosa pala tong babaeng to?
“Sabi-sabi?” tanong ni Princess.
“Hindi ba kayo nagtataka? Maganda si Kristeen, matalino, valedictorian nga siya ng batch natin diba? Pero sa 16 years niyang existence sa mundo wala pa siyang nagiging boyfriend!” kwento ni Asuka na mukhang naiintriga talaga siya.
“Eh mukhang popular naman siya ah.” Sabi ko kay Asuka.
“Ang sabi nila wala daw siyang interes sa mga lalaki.” Dugtong pa niya.
“Hindi interesado?” sabi ni Renze, at bigla na lang siyang napanganga. Batuhan ko kaya yung bibig niya bato ano kayang mangyayari?
“Ibig sabihin!” biglang sigaw ng tahimik na si Romnick, tahimik siya kasi nililinis niya yung pinakamamahal niyang camera. “TOMBOY ANG VALEDICTORIAN?!” narealize naming bigla yung ibig sabihin ni Nick. Oo nga no!
“So ibig sabihin gusto niya makuha si Asuka KO?” isa ding sabi ni Clarenze at pinilit abutin si Asuka kaso nakadikit yung kamay niya sa table. “Hindi pwede yun!”
“Hindi rin, sikat si Asuka kilalang kilala siya sa iba’t ibang year at section. Kung tomboy nga si Kristeen pwedeng gusto niya si Asuka dahil…” nag-clear throat ako “…maganda kasi talaga si Asuka. Tsaka gagamitin niya yung deal na kung sino matalo susundin lahat ng gusto! Kukunin niya si Asuka kasi wala pang sinasagot si Asuka, diba??” oo excited na din ako. Hays umiral ang pagiging chismosa ko.
“Hindi ako papayag! Hoy Son siguraduhin mong mananalo ka ah, ayokong mawala si Asuka sakin no!” muling sabi ng abnormal na to. Hays sana kasing ganda ko si Asuka, dami nagkakandarapa sa kanya eh.
“Ahahaha hindi yun pwede mangyari.” Natatawang sabi ni Jayson. At confident pa siya ah. Hmm I smell something hmmmm.
[JAYSON]
Nilabas na naming yung pagkain namin. Paano kaya nila nagawa yung ganung conclusion kay Kristeen? Lawak talaga ng imagination ng mga to! “Renze may baon ka pala?” tanong ni Zoe kay Clarenze.
“Talaga? Sinong nagluto ng baon mo?” tanong ni Princess.
Binuksan niya ang lunch box niya at may nakita kaming maliit na cube sa pinakasulok nung lunch box. “Ano yan Renze?” tanong ni Nick, lahat kami nagtataka kung ano yung yellow na cube na yun! At wag ka, yun lang talaga yung nakalagay niya sa baunan niya!
“Lunch ko! ^_____^” sabi niya na may malaking ngiti na parang ewan naman. Napa-roll eyes na lang Zoe eh. Sa inis ni ko ay nabatukan ko si Renze. “Aray! Para san naman yun Jayson?” galit na tanong niya sakin. Bwisit to magkatabi lang naman kami.
“You called that food?!” galit na sabi ko. Napa-english tuloy ako ng wala sa panahon tsk.
“Hoy Son wag mo kong ini-english! Hindi ako prepared! Dapat nagpapaalam ka pag kakausapin mo ko ng English!” susme magkatabi lang kami kailangan ba talagang sigawan ako?
BINABASA MO ANG
I'm in love with an idiot!
FanfictionNaranasan niyo na ba ma inlove? nakita niyo na ba si mr. perfect? pero si Zoe hindi niya alam na si mr.perfect niya ay hindi naman pala ganoon ka-perfect. XD Bukod sa papakiligin ka, for sure mawawala din ang problema mo sa kakatawa. XD [NOTE: >>It...