Fifteenth Period- Spices of Love and Love Bento

127 16 13
                                    

Fifteenth Period- Spices of Love and Love Bento

 

 [CLARENZE]

 

        Pagkatapos akong torturin ng mga classmate kong kasali sa FFF ay umakyat ako ng rooftop. Nagalit ang mga classmate ko, ay hindi nainggit pala dahil ako may bento sila wala bwahahaha! Kahit makirot pa ang ibang parte ng katawan ko ay umakyat na ko sa rooftop dahil may naghihintay sakin na prinsesa dun! ^_____^

        Habang papaakyat ako ng hagdanan ay kumakalam na ang sikmura ko! Ngayon na lang ulit ako makakakaen ng full meal hehe! At si Princess pa ang nagluto, panigurado masarap yun! Nang makarating ako sa pintuan ng rooftop ay agad ko itong binuksan, nakita ko si Cess na nakaupo sa hindi ganoon kalayuan na bahagi ng rooftop. Ang ganda niya talaga! Buti na lang natext ko yung haring araw na wag muna masyado maglabas ng init ngayon araw, kaya ayan parang date na din to! ><

    “Princess!” tawag ko habang papalapit sa kanya, tumingin siya sakin at ipinakita ang isang ngiting mapanunaw! Nang makalapit ako sa kanya ay umupo ako sa tabi niya, oo upo agad no! Chance na to papalagpasin ko pa? “Sorry ah kanina ka pa ba? Epal kasi yun mga FFF na yun binugbog pa ko.”

    “Ayos lang.” ang tangi niyang sagot. “Eto na yun lunch na ginawa ko sana magustuhan mo. ^^” at inabot niya sakin iyon. Pagbukas ko ay ang ganda! Oo maganda parang yung sa anime, yung hotdog na may paa, tapos madami pang iba hahaha! XD

    “Sige kakaen na ko ah?” paalam ko sa kanya at inilabas na din ang kutsara at tinidor sa lagayan.

    “Ay teka wala pala kong dalang tubig, bibili muna ko baka mabulunan ka eh.” Mahinhin niyang bigkas at marahan siyang tumayo. “Hintayin mo ko ah!” at ngumiti siyang muli, tsaka pumunta na sa pinto pababa ng rooftop.

    “Uwaah ang ganda na nga niya, mabaet, matalino tapos magaling pang magluto!” sabi ko kahit alam kong wala akong kausap hihi!

    “Ang mga katulad mo ay hindi dapat nabibigyan ng ganito.” At pagtingin ko ay nasa tabi ko na si Jayson at kumuha pa ng fried chicken na niluto ni Princess.

    “Hoi Son napakadupang mo talaga! Binigyan ka na nga ni Kristeen ng pagkaen mo tapos makikiagaw ka pa sa tangi kong pagkaen!” epal to! Purkit hindi bento ang ibinigay ni Teen sa kanya!

    “Pahingi din ako.” At si Asuka naman yung kumuha.

    “Pati ba naman ikaw Asuka! May pambili ka naman ng pagkaen sa canteen ah!” at may isang kamay ulit ang kumuha pero wala akong narinig na salita. “Hoy Nick kapal mo hindi ka nagpaalam! Kuha ka na lang ng kuha!”

    “Ang damot mo Renze nakikihingi lang naman kami ng konti.” Sabi ni Son at kumuha ulit.

    “Baliw ka ba?! Puro ulam yung kinuhuha niyo edi kanin na lang matitira sakin!”

    “Ayaw mo nun puro carb—” at biglang bumagsak na lang sa lapag si Son. Sumunod si Asuka, uwaah ang Asuka my loves koooo!

    “Nick! Halika samahan mo ko dalin natin sila sa infirmary…” at bumagsak na din siya. Hala anyare?! TEKA?! Hindi kaya etong niluto ni Cess ay?

        Pero ang ganda at mukhang masarap naman to ah. Kinuha ko ang bento at inamoy ko. PAKSYET! Amoy pa lang nakakahimatay na! Anong meron dito—

 

RENZE’S IMAGINATION

 

        Nasaan ako? Bakit ang labo ng paningin ko? Teka ang huli kong natatandaan ay naamoy ko ang luto ni Cess. Pinakiramdaman ko ang paligid, masama to may kung anong aura akong nararamdaman sa likod ko! Pagtingin ko ay napakadilim nito at biglang may lumabas na mga kamay at hinihila ko sa loob! TEKA! TEKA!!

I'm in love with an idiot!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon