Sixth Period- Exam Battle

461 46 51
                                    

 Sixth Period- Exam Battle

[JAYSON POV]

    “Gusto kong patunayan na hindi lang matataas na grades ang kailangan sa mundo. *smiles* kaya ano Renze gusto mo ba i-try?” confident kong sabi kay Clarenze, nanlaki ang mata niya pero in the end eto ang sagot niya.

    “Sige ba! At patunayan natin na kahit section F tayo ay may maibubuga din tayo!” determinadong sagot ng kaibigan ko.

        Binuksan ko yung pinto ng room namin, buti na lang hindi pa umuuwi yung masisipag kong classmate. Fumizuki Academy papatunayan kong hindi lang ang matatalino ang may kakaibang galing. Hindi lang ang mga taong may matataas na grado ang dapat ipagmalaki.

        Hinampas ko yung teachers table ng napakalakas “Attention class!!” lahat sila napatingin sa harap, yung mga nagbabaraha, yung mga naglalaro ng portable na console nila, pati na din yung mga nasa likod na nag-eespadahan ng walis tambo. “Bilang class representative niyo, may gusto akong ipaalam sa inyo!” pumasok na din si Clarenze at tumabi siya sakin.

    “Ah si Jayson pala ang class rep natin.” Sabi ni Princess kila Asuka.

    “Kelan ka pa naging class rep Jayson?” tanong ni Romnick na mukhang may sine-salestalk na naman na classmate namin.

    “Kanina lang nung hinampas ko yung table! Tsaka meron ba sa inyong maglalakas ng loob na maging class rep? Nagvo-volunteer na nga ko eh!!”

    “Oo nga naman.” Chorus na sagot ng ibang classmate namin.

    “So ano nga yung gusto mong sabihin?” –Zoe

    “Gusto kong makipag exam battle.”

    “What?! Ano namang naisipan mo Jayson?” sabi ni Asuka. At yung iba nag-murmur na din ng kung ano-ano.

    “Bakit masaya ba kayo dito sa walang kwentang room na to?”

    “Syempre hindi no!” sabi ng buong klase.

    “Payag ba kayo na ganito lang ang room natin? Eh pare-parehas lang naman tayong nagbabayad ng tuition fee, pero bakit ini-implement nila ang ganitong patakaran sa school na to? Bakit puro sa class A lang ang maganda?” ayan nabubuhayan na sila ng loob. Haha galing ko talaga!

    “Ang duga mo talaga Son! Mukhang ang galing mo tuloy ngayon, tapos ako kanina hindi mo pinatapos sa sinasabi ko! >3<” bulong sakin ni Renze habang mahaba ang nguso niya, pero hindi ko na lang pinansin.

    “Alam niyo naman ang patakaran sa exam battle diba? Pagnanalo tayo dun, pwedeng mapasaatin ang napakagandang room ng section A!”

    “Whoa!” –whole class

    “We are the lowest section! Tayo na ang nasa ilalim ng buong school, wala namang maganda satin hindi ba?! Kaya walang mawawala satin kapag natalo tayo!! So, ano? I-try ba natin?!”

    “Syempre naman!!” –whole class

    “At dahil dyan! Uumpisahan natin mula sa kasunod nating section! Ang section E! At si Clarenze ang tatayong ambassador natin.” Tinuro ko si Renze na nanahimik sa tabi ko. “Kaya sumugod ka na ngayon sa section E at mag-declare ka na ng war sa kanila.”

    “Teka lang! Bakit ako? Diba may nangyrararing masama sa ambassador kapag ginagawa yun?” sabi niya habang nakaturo sa sarili niya at mukhang takot at gulat.

    “Ano ka ba Renze, sa libro at movies lang yun.”

    “Pero—” hinawakan ko si Renze sa magkabilang balikat niya.

I'm in love with an idiot!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon