CASSIE (P.O.V)
"Kaya mo nang mag simula ngayon?" tanong ni Jhane habang kausap ko ito sa phone.
Dahil personal Caregiver ako ngayon,hindi na kami nag kikita ni Jhane hanggang usap nalang muna kami sa phone dahil parehas din kaming busy sa mga trabaho namin.
"Uo,naman nag ipon talaga ako nang maraming pasensya para sa taong yon" sagot ko kay Jhane.
"Good luck,bruha sa unang sabak mo haha.. Naloka lang kasi ako sayo dahil napaatras ka sa first day mo sana kahapon,sa dami mong pinag daanang ganyan ngayon ka lang kinabahan" pang-aasar pa ni Jhane.
"Hoy..! Hindi ako kinabahan,girlscout lang ako kailangan laging handa" palusot kong sagot kay Jhane.
"Asus..!! Oh,sya' dahil sabi mo pa nga lagi kang handa,palagay ko pati puso mo kailangan mong ihanda,hehe" pangungulit pa sakin ni Jhane.
"Ha..? Bakit naman..?" takang tanong ko.
"Ayeehh..! Kasi gwapo yong bagong alaga mo"
"Eh,ano naman kung gwapo sya.? Wala akong pakialam kung sya pa yong pinaka gwapo sa buong mundo''
"Chill..lang bruha masyado kana mang hot"
"Iwan ko sayo,kung ano-ano na naman ang pumapasok dyan sa isip mo,sige na bye na baka matraffic pa ako" paalam ko kay Jhane.
"Ok,ingat" sagot nito at nawala na ito sa linya.
Lumabas na ako nang kwarto ko,para pumasok na sa trabaho ko.
"Oh,anak wala ka bang pasok ngayon?" tanong ni mo Mama,habang pababa ako nang hagdan.
"Meron po ma' paalis na nga po ako"
"Bakit,hindi ka naka uniform?"
"Ayaw po,nong bago kung alaga nag mumukha daw po syang may sakit pag naka uniform ako nang pang Caregiver"
"Bakit,wala ba syang sakit?" tanong ulit ni Mama habang nag sasapatos ako.
"Meron ma' sakit sa ulo at (S)"
"Anong (S)..? Anak"
"Sumpong,ho ma' dahil parang galit yata yon sa mundo"
"Matanda na ba masyado?"
"Hindi naman po ma' tatanda pa lang,dahil sa ugali nya"
"Naku,anak ingat ka ha' mukhang mapapalaban kana naman ngayon sa bago mong alaga"
"Wag,ho kayong mag alala Ma' nakahanda na po ako sa gyera" sagot ko kay Mama,at humalik na sa pisnge nito para makaalis na.
"Bye,ho Ma"
"Ingat,anak"
FASTFORWARD..
Nasa harap na ako nang bahay ni Don Pablo,pinarada kona yong kotse ko sa tabi,at bumaba na pag katapos kong ilock yong kotse ko.
Nag doorbell na ako,at habang hinihintay ko yong mag bubukas,huminga muna ako nang malalim at kumoha nang bubble gum sa bulsa ko,ito kasi pang pa relax ko sa tuwing hindi ako comportable.kinakabahan kaba..? Tanong nang isip ko na winaglit kona lang.
"Magandang umaga po" bati ko sa katulong na nag bukas sakin.
"Buti naman po,dumating na kayo" sagot naman sakin nong katulong,na pinagtaka ko.
BINABASA MO ANG
"IN YOUR EYES" (Book 2)
RomanceAko si JADE KAYE CAL. Limang,taon na ang lumipas mula nang iwan ako nang kaisa-isang babaeng minahal ko,namatay man sya pero sa puso ko buhay na buhay parin sya. MOVE ON..yan ang laging bukang bibig nang mga taong nakapaligid sakin,pero sa litra nan...