"BECAUSE OF YOU"

913 49 16
                                    


CASSIE (P.O.V)

Dahil nga mag papasko na,nag umpisa na kaming mag lagay nang mga palamuti bilang tanda na nalalapit na naman ang araw nang pag bibigayan.

"Ahmm..Louise hindi pantay,usog mo pa nang kunti sa kabila" utos ko sa isang kasamahan ko na nag kakabit nang mga bell.

"Jhane,pahawak ako nang ladder isasabit ko lang itong star" sabi kona man kay Jhane na abala sa pag hahanda nang mga Christmas light.

"Ok" sagot nito kaya umakyat na ako.Medyo kulang yata ang taas nang ladder ko dahil kailangan ko pang i-unat masyado ang kamay ko upang maisakatuparan ang nais ko.Naramdaman kong may umakyat sa ladder upang tulongan ako.

"Thanks Jhane" sabi ko sa pag aakalang ito,pero may naamuy ako na isang pamilyar na pabango.Jade??!! Sigaw nang isip ko,sabay lingon upang kompermahin kung tama nga ang hinala ko.Bumilis ang tibok nang puso ko nang mukha nga ni Jade ang malingunan ko,napalunok ako dahil sa subrang lapit nang labi nya sa pisnge ko,at pag lalo pa akong lumingon mag tatama talaga ang labi naming dalawa,maliit lang kasi ang ladder na gamit ko kaya hindi kami kasya.Nag titigan lang kami habang naka tunghay ito sakin.

"Nag nining-ning na yong star,dahil sa kuryenteng dumadaloy mula sa kamay nyong dalawa" kinikilig na sabi ni Jhane na nag patino nang utak ko at saka ko lang napagtanto na nakahawak parin pala ako sa star kahit naisabit na ito,habang naka patong naman ang kamay ni Jade,kaya para akong napaso at binawi agad ang kamay ko.

"Tika,wag kang malikot baka malaglag tayo" paalala nito sabay hawak sa bewang ko,mas lalo naman akong nailang pero hindi ko ito pweding itulak dahil kawawa naman ito pag mahulog na walang sasalo.Ayaw kong maramdaman mo yong sakit na dama ko nang nahulog ako sayo.

"Bumaba kana" mahinahon kong sabi pero mariin.

"Ang bango mo" bulong nito na kinatindig nang mga balahibo ko.

"Ayy..! Naku paalala lang po,Christmas day po ang darating hindi po Valentines day,mga tao talaga ngayon laging advance pero pag nasaktan late reaction naman" pag paparinig ni Jhane na kinailing kona lang.Narinig kona mang tumawa nang mahina si Jade at bumaba na ito,naka hinga na ako nang maluwag.

"Opps..! Wait lang Cass" pigil ni Jhane sa pag baba ko na pinagtaka ko,tiningnan ko ito nang may pag tatanong."dahan-dahan lang,baka kasi mahulog kana naman nang walang sasalo"paalala nito pero alam ko iba ang tinutokoy nya,inismiran kona lang ito.

"IN YOUR EYES" (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon