JADE KAYE (P.O.V)
Natapos din akong maligo,bumaba na ako matapos kung mag bihis.
Pag dating ko sa baba naka upo ang barkada sa sala,habang kausap yong siraulong babae,walang iba kundi si Cassie napaismid na lang ako at lumapit na sa kanila,arhhmm..! Tumikhim mona ako para maagaw ang pansin nila.
Napa tingin sakin si Cassie, na parang wala lang naiinis ako dito kaya sinadya ko na sa harapan nya dumaan para,maaomoy nya na bagong ligo na ako.
Umopo ako sa tabi ni Nykie.
"Grabe ka,Jade sabi ni Cassie maligo ka,hindi pati pabango ipaligo mo,hahaha" pang-aasar pa ni Nykie.
Tiningnan ko lang ito nang masama.
"Naks'.. Nag bibinata na naman si Jade" segunda naman ni Joe.
"Nag,dadalaga kamo" sabat naman ni Cassie na nag palaki nang mga mata ko,napa tingin din sa kanya yong mga kaibigan ko.
"Hehe..joke lang" agad bawi ni Cassie.
Yari ka sakin mamaya..! Inis na sabi ko sa isip ko habang masamang naka tingin kay Cassie.
"Oh,mga apo mag almusal na muna kayong lahat,nakahanda na ang mesa,pati ikaw Cassie sumabay kana sa kanila" sabi ni lolo na kagagaling lang sa kusina.
"Naku,sila na lang po Don Pablo tapos na po ako sa bahay namin bago po ako umalis" pag tanggi ni Cassie sa anyaya ni lolo.
Hindi kona lang ito pinansin tumayo na lang ako,para pumonta na sa kusina nauna na ang barkada papunta sa kusina kasabay si lolo.
Nilapitan ko si Cassie, para pag sabihan ito,naka talikod ito sakin,tumayo ako mismo sa may tapat nang likod nito.
"Wag kang,pabida la-------"
Hindi ko natapos yong sasabihin ko sana,dahil bigla itong humarap sakin at dahil nasa likod nya ako mismo,at dahil sa biglang pag harap nito sakin ang lapit nang katawan namin sa isat-isa,natulala ako habang nanlalaki yong mga mata ko dahil naka tingala ito sakin na hindi rin naka galaw,nanlalaki din yong mga mata nitong naka tingin sakin,habang naka awang nang kaunti yong bibig nya at dahil nga malapit yong mukha nya,napag masdan ko sya nang mabuti.gosh..! Ang ganda nang mga mata nya,yong chick bones nya,at yong la-------
Tika ano ba itong nang yayari sakin..!
"Ta...tabi nga..! Paharang-harang ka" sigaw ko dito..na medjo humina yong boses ko sa dulo dahil parang mauubosan ako nang hininga sa kabog nang dibdib ko.
CASSIE (P.O.V)
Niyaya ako ni Don Pablo na sumabay kumain kila Jade,pero mariin akong tumaggi dahil tapos na akong kumain sa bahay pero ang iniiwasan ko,talaga ang maka sabay si Jade sa harap nang hapag kainan dahil baka kung ano na naman,akong kalukohang gawin nito at ikainit lang nang ulo ko,nakita kong nag sitayuan na yong mga kaibigan ni Jade para sumonod kay Don Pablo patungong kusina,napasunod na lang yong tingin ko sa kanila pero nagulat ako nang biglang mag salita si Jade sa likod ko na akala ko nasa kusina na sa mga oras na ito.
BINABASA MO ANG
"IN YOUR EYES" (Book 2)
RomanceAko si JADE KAYE CAL. Limang,taon na ang lumipas mula nang iwan ako nang kaisa-isang babaeng minahal ko,namatay man sya pero sa puso ko buhay na buhay parin sya. MOVE ON..yan ang laging bukang bibig nang mga taong nakapaligid sakin,pero sa litra nan...