"STRANGER IN MY DREAM"

980 58 33
                                    

JADE KAYE  (P.O.V)

"Ahmm..ok,ok.. Congrats, congrats.. hmmm..best wishes na rin" nakangiting sabi ko kay Cassie pero walang patid ang agos nang luha ko,para akong tanga tumatawa pero yong sakit na nararamdaman ko sa mga oras na ito,kasing sakit nang sinuko ko si Kate.

"Jade----"

"Ok,lang ako wag kang mag alala kaya ko ito,kayang-kaya ko ito" pigil ko kay Cassie sabay pahid sa luha ko."mag iingat ka" dahan-dahan ko nang binuksan ang pinto nang kotse nya.

"Sa maikling panahon na minahal kita,dadalhin ko yon habang buhay sa aking alala" natigilan ako sa sinabi ni Cassie pero hindi ko sya magawang lingonin dahil hindi ko kaya,baka kung ano pa ang magawa ko,at magawa ko pa itong itakas papalayo para maging akin lang sya,pero mali yon mali na nga nong una kasi engaged na ito,kaya kailangan ko nang itama sa huli at pag ginawa ko lang ang nais ko walang ibang mahihirapan kundi si Cassie lang,gugulohin ko lang ang buhay nyang unti-unti nang nabubuo dahil bumalik na  yong taong makakaramay nya at walang iba ang magiging asawa nya.

"Jade.." Muling sambit nito sa pangalan ko.Hindi ko napigilan ang sarili ko,humarap muli ako dito at hinawakan ang mag kabilang pisnge nito,dinikit ko yong noo ko sa noo nya,pumikit na lang ito habang patuloy sa pag iyak pinahid ko ang mga luha nya gamit ang thumb finger ko.

"Ssshhh,stop crying na ok?" Pang aalo ko dito.

"Jade nagugulohan ako,hindi ko alam ang gagawin ko,hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko" Maski ako nagugulohan kung anong gagawin ko,parang hindi ko kayang nakikitang umiiyak si Cassie,hindi man nya aminin pero ramdam kong mahal nya parin ako,pero lalo lang gugulo pag sinunod namin ang aming mga damdamin.

"Cassie maayos din ang lahat,basta gawin lang natin kung ano ang tama,ok? Lagi kang mag iingat ha' itong gagawin ko hindi lang para sa ating dalawa,kundi para sa lahat"

"Jade please.." Pigil ni Cassie sa mga kamay ko nang tangkain kona itong bitawan,mabigat ang loob kong hinawakan ang mga kamay nito.Mas lalo akong nahirapan nang maramdaman kong lalong humigpit ang hawak ni Cassie,parang ayaw nya na akong bitawan.

"Cassie..I let you go.." lalong lumakas ang iyak ni Cassie."because i love you" huling sabi ko pilit kong binawi ang kamay ko at nag namamadali na akong lumabas nang kotse nya.Pag kasara ko nang pinto napasandal ako dahil nanghihina ako,muling tumolo ang mga luha ko,hanggang napahagulhol na lang ako,hindi ko magawang silipin si Cassie dahil alam kong umiiyak din ito.Tumayo na ako nang maayos at dahan-dahang hinakbang ang paa ko papalayo,nang medyo malayo na ako saka lang ulit ako lumingon,wala na ang kotse ni Cassie.Wala na..wala na sya..wala na talaga.

"IN YOUR EYES" (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon