"ENVY"

1K 55 29
                                    


JADE KAYE  (P.O.V)

Tahimik kong pinamamasdan si Kate na mahimbing ang tulog sa kama ko habang nakaupo ako sa sahig,matapos naming mag usap nang masinsinan kanina hindi kona itong pinayagang umalis dinala ko sya dito sa bahay ko.Halatang ngayon lang sya nakatulog nang payapa dahil ang himbing nang tulog nito hindi ko natiis na hampulosin ang mukha nito.

"Sorry kung hindi kita pinakinggan dati,nasayang tuloy yong isang taon na hindi tayo mag kasama,ang dami na sana nating masasayang memories ulit na maaaring idugtong sa dati,ang tanga ko kasi pinairal ko ang galit sa puso ko at ngayon ko lang naisip ang dami monang sakripisyo mula noon,hanggang ngayon." Hinayaan ko ang mga luha kong mag landas sa pisnge ko dahil kung tutuosin kulang pa ito kaysa sa mga iniluha ni Kate sa Dami nang pasakit na dinanas nya bago sya makabalik sa pinanggalingan nya.Sumisikip ang dibdib ko pag naiisip ko mula Simula hanggang dulo."Ang tibay mo mahal ko..napakalakas nang loob mo kaya siguro hindi nag alinlangan ang panginoon na bigyan ka lagi nang pagsubok dahil alam nyang matatag kang tao at makakaya mong lahat..pero sana ito na ang huli dahil parang hindi kona kakayanin na masaktan at mahirapan ka pa." Napatakip na ako sa mukha ko para hindi marinig ni Kate ang mga hikbi ko.

"Kade..? Gisi------anong nangyari? Bakit umiiyak ka?" Nag aalalang tanong nito at napaupo ito sabay tanggal nang mga kamay kong nakatakip sa mukha."ok ka lang ba?" Pinahid nya ang mga luha ko habang hawak nya ang isang kamay ko.

"Wala ito,naisip ko lang kasi nong panahong pinaglayo tayo at naligaw ka nang landas,ang dami mong pinagdaanang pagsubok bago ka makabalik sakin"

"Ano kaba,tapos na yon at nalampasan na natin lahat nang yon,ang importante magkasama na ulit tayo" nakangiting sagot nito sakin kaya napangiti na din ako."tsk..halika nga rito" sabi nito sabay usog para makasampa ako sa kama,tumabi ako dito at agad naman itong yumakap sakin."matulog ka para gumaan yang pakiramdam mo."

"IN YOUR EYES" (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon