CASSIE (P.O.V)
"Cassie..? Anak? Ayos ka lang ba?" Tanong ni Mama habang winawasiwas ang isa nyang palad sa harap nang mukha ko.
"Ahmm..ok lang po ako" sagot ko habang napapahagod sa batok ko.
"Tapos na ang Halloween, pero pansin ko nang mga nakaraang araw lagi kang natutulala" sabi naman ni Papa habang nilalapag na sa mesa ang almusal namin na sya rin ang nag luto.
"Ahmm.. Hangover lang po siguro ito sa pag ka bangga nang kotse ko nong Friday nang gabi" palusot ko.Bakit kasi hindi mabura sa sestima ko yong bagay na yon? Ilang beses na akong nag toothbrush pero bakit dama ko parin yong..yong...
"Hay naku,may bumabagabag nga sa isip mo anak" putol ni Mama sa pag iisip ko.
"Ho?" Nahihiyang tanong ko.
"Kumain na daw tayo,kanina pang sabi nang Mama mo,kaso talagang lumilipad yata ngayon ang diwa mo" natatawang sagot ni Papa sakin.
Napailing na lang ako at nag Simula na kaming kumain.
Matapos kong kumain tumayo na ako.
"Ma,Pa alis na po ako,alam nyo naman po yong alaga ko daig pa ang grade 1 na papasok sa school na pahirapan gisingin" Paalam ko at binitbit na yong bag ko.
"Ingat anak" sagot ni Mama pag halik ko sa pisnge nya.
"Uwi nang maaga ha' wala ka pa namang kotse now" paalala naman ni Papa.
Tumango na lang ako at lumabas na nang bahay.
Habang nag lalakad ako sa kalye palabas nang subdivision para mag abang nang taxi sa may gate nang bigla akong may narinig.
"Pssst..psst.."
Napalingon ako sa tabi ko.
"Jhane? Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ko nang makita ko itong nakangiti habang kampanteng naka tayo at naka sandal sa labas nang kotse nya.
BINABASA MO ANG
"IN YOUR EYES" (Book 2)
RomanceAko si JADE KAYE CAL. Limang,taon na ang lumipas mula nang iwan ako nang kaisa-isang babaeng minahal ko,namatay man sya pero sa puso ko buhay na buhay parin sya. MOVE ON..yan ang laging bukang bibig nang mga taong nakapaligid sakin,pero sa litra nan...