"UNACCEPTABLE"

913 56 6
                                    

CASSIE (P.O.V)

"Sorry kung hindi ko nasabi sayo agad,na...na..Cassie mahal kita" Seryusong sabi ni Prince dahil nabanggit na nito ang pangalan ko.

"Prince..!!" Tawag ko dito,dahil hindi ko sya maintindihan,akala ko ba sa kanya galing ang mga notes,pero sa naging reaction nya patunay na hindi sya.Kanino galing ito? Kailangan ko makausap si Prince dahil mukhang may alam sya.

Nag mamadali na akong lumabas nang locker room at hinanap si Prince.

"Jhane nakita mo ba si Prince?" Tanong ko nang makasalubong ko ito.

"Hindi,bakit? Na-realize mona ba?" Nakangiting sagot nito na binalewala ko lang at nilagpsan na ito."hoy..! Bruha..!".

"Mamaya na lang tayo mag usap." Sabi ko dito.

Lahat nang nakakasalubong ko tinatanong ko kung nakita ba nila si Prince,pero kahit isa walang nakapagturo.

"Cassie" tawag ni ma'am Kristina sakin habang nag lalakad ako.

"Yes,ma'am?"

"Palagay ako nito sa table ni Sir Jade..thanks Cassie" utos nito,sabay bigay nang envelope.

Mula sa lobby, umakyat muli ako sa 17 floor.Mamaya kona hahanapin si Prince.Hindi ko rin kasi sya makontak sa phone.

Bumalik na ako sa trabaho ko,pero dumaan mona ako sa office ni Jade para ilagay yong envelope na inabot ni ma'am Kristina,nag alinlangan pa akong kumatok nang nasa harap na ako nang pinto dahil parang hindi kona kayang pumasok sa office na ito dahil sa nangyari kagabi.Naramdaman kong nag init ang mukha ko.

Ilang beses muna akong napa buntonghinga bago ko nagawa ang kailangan kong gawin.Kumatok ako nang tatlong beses bago tinulak pabukas ang pinto.At nakahinga ako nang maluwag nang mapansin kong wala si Jade sa loob,nag mamadali na akong lumapit sa mesa para ilagay yong envelope pero nang mapagmasdan ko ang kabuoan nang mesa muli akong nahiya sa sarili ko.Grabe..! Bakit ko ba nagawa yon.Nilagay kona agad yong envelope para makaalis na agad nang mapansin ko ang isang maliit na papel para itong note katulad nang....Si Jade??!! Kumabog nang malakas ang dibdib ko nang makita ko yong ibang nakakalat pa sa isang tabi,kumoha ako nang isa at binasa ito.Lalo akong kinabahan ganito yong huling natanggap ko kanina,ang pinag kaiba lang hindi tapos mukhang nagkamali sya kaya inulit nya.May naramdaman akong kirot sa dibdib ko dahil ngayon sigurado na ako si Jade nga walang iba.

Bumokas ang pinto pero hindi ako lumingon,dahil kita ko sa gilid nang mata ko na si Jade ang pumasok,hawak ko parin yong isang note.

"Cas----sie?!" Gulat na bulaslas nito matapos nyang isara ang pinto at napako na ito sa kinatatayuan nya.

"IN YOUR EYES" (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon