"KNOWING MYSELF"

973 57 62
                                    

CASSIE  (P.O.V)

Dalawang araw na ang lumipas nang huli kong makita si Jade nong gabing nag paalam na sya nang tuloyan,at habang nakatalikod ito palabas nang kwarto ko pinakawalan kona ang mga luha ko nang tuloyan hindi kona mapigilang mapahikbi dahil sa subrang sakit na nararamdaman ko,naabutan pa ako nila Papa sa ganong sitwasyon na labis nilang pinag-alala pero sabi ko,ok lang ako.

Ngayong araw na ang labas ko sa hospital dapat kahapon pa kaso hindi pumayag si Papa dahil parang hindi pa daw ako ok.Ok lang ako,yong puso ko lang ang hindi ok.Parang ayaw ko nang gumalaw,tumayo parang nanghihina ang sestima ko nawawalan na ako nang gana sa lahat nang bagay.Dahil sa kanyang paglayo, hindi ko maiwasan itanong sa sarili ko kung pano na ako? Hindi ko rin alam na mahal ko ba si Jade dahil puso ito ni Kate? O mahal ko sya kung sino ako talaga?

"Cassie anak ok kana ba? Ready kana ba umowi?" Tanong ni Mama na nag pabalik sa tama kong pag iisip.

"Opo" maiksi kong sagot.

Inayos na nila ang mga gamit ko.

"Parating pala si Dave para sundoin tayo,pumonta sya nong isang araw at kahapon pero lagi kana mang tulog" sabi ulit ni Mama.

Sa totoo lang alam kong dumating si Dave pero nag panggap lang ako na tulog sa tuwing alam kong paparating sya wala akong ganang kausapin sya,at isang boses lang ang nais kong marinig sa bawat sandali.Jade..Jade..

"Alam po ba ni Dave?" Tanong ko kila Mama na kinahinto nila sa pagliligpit.

"Uo anak,alam nyang ngayon kana lalabas" sagot ni Mama na ramdam ko na alam nya kung ano ang ibig sabihin ko pero binaliwala nya lang.

"Yong puso ko" muling sabi ko.Umiwas nang tingin sakin si Mama.

"Hindi nya alam anak" sagot ni Papa.

"Pano ko sya maalalang minahal ko sya? kung yong pusong ito may minamahal nang iba

"Anak mabait naman si Dave,matutotonan mo ding syang mahalin" sagot ni Mama.

"Ma,ang pag mamahal hindi isang subject sa school na pag pinag aralan mo mabilis mong matutunan,dahil ang puso kailanman hindi matuturoan kaya nga kahit nasasaktan na nag mamahal pa rin diba?" Seryuso kong sabi,napa nganga na lang sila Mama.

"IN YOUR EYES" (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon