CASSIE (P.O.V)
"Aling Melba..!!" Dinig kong sigaw ni Jade mula sa kusina.Nag salubong na naman ang kilay ko,dahil kung makasigaw na nman ito daig pa ang may sunog sa kanto.
"Aling Melba..??!" Sigaw ulit nito habang papalabas nang kusina dahil wala pa rin si Aling Melba.
"Stop shouting ok..?" Saway ko dito dahil naririndi na ako sa kasisigaw nito.
"Tsk..' Bakit ikaw ba si Aling Melba?"
"Hindi,pero kung ako si Aling Melba pinasukan ko na nang pandesal yang bunganga mo" mataray na sagot ko dito.
"Huh..' Really? At palagay mo ba papayag akong mangyari yon?" Nakapamaywang pang tanong nito at parang tigre na naman kung makatingin.
"Huh..' Hindi nman kailangan hintayin pang pumayag ka" sagot ko at namaywang din at ginaya pati ang tingin nito.
"Alam mo,nag sisimula kana naman,naiinis na naman ako sa pag mumukha mo" sabi nito habang naka turo sakin ang isa nyang kamay at yong isa nanatili parin sa bewang nya kaya hindi kona naman naiwasan na tumawa.
"Hala..! Nasiraan kana nang ulo" puna nito.
Ginaya ko yong hitsura nya kanina pati pananalita nya.At mas lalo akong tumawa nang mag salubong ang kilay nito at nang marealize nyang ginagaya ko sya bigla itong tumindig nang maayos,akala mo sundalo na sasabak sa laban.
"Umayos ka nga,na babakla kana naman" naiinis na paalala ko dito.
"Ikaw,nahahalata na kita gusto mo lang siguro makatikim nang halik ko kaya lagi mo akong tinatawag na bakla"
"Haha... Ako? Sure ka? Lalaki lang ang nagagalit pag sinasabihan na bakla kaya wag kang assuming dyan" sagot ko dito habang nakataas pa ang kilay.
"Hindi man ako tunay na lalaki.Umatras ako dahil papalapit sya sakin.Pero pag tulad ko ang humalik sayo..kinabahan ako nang wala na akong maatrasan.Mababaliw ka at lagi mong hahanaphanapin ito..Hindi ako makapagsalita nang 3 inches na lang ang layo nito sa mukha ko.Cassie..? Handa kana bang mabaliw..? Tanong nya in a husky voice.Tumindig ang balihibo ko nang nilapit nito ang labi nya sa labi ko,napapikit ako nang mariin.Dios mio..!sigaw nang isip ko.Pero nagtaka ako dahil wala naman akong naramdamang dumampi sa labi ko,unti-unti akong dumilat.
BINABASA MO ANG
"IN YOUR EYES" (Book 2)
RomanceAko si JADE KAYE CAL. Limang,taon na ang lumipas mula nang iwan ako nang kaisa-isang babaeng minahal ko,namatay man sya pero sa puso ko buhay na buhay parin sya. MOVE ON..yan ang laging bukang bibig nang mga taong nakapaligid sakin,pero sa litra nan...