"UNBOUND"

877 51 23
                                    


CASSIE  (P.O.V)

"Babe..?"

"Ha..? Sorry,ano ulit?" Tanong ko kay Dave.

"Tinatanong nang designer  kung may gusto ka pa daw ba ipabago sa gown mo" sagot nito habang seryusong nakatingin sakin.

"Ahmm.. Wala na ok na yan" sagot ko tumango lang si Dave at tumayo ito may titingnan lang daw sya.Nasa isang boutique kami ngayon para sa gown ko.

"Ms.Miranda ok lang po ba kayo?" Tanong nong designer.Tumango lang ako sabay hinga nang malalim.

Isang linggo na ang nakalipas nang huli naming tagpo ni Jade pero feeling ko kahapon lang nangyari ang lahat.

"Mawalang galang na po,pero parang hindi po kayo happy sa nalalapit nyong kasal" sabi ulit nong designer.Ngumiti lang ako nang pilit dito.

"Puso po ang sundin nyo,dahil minsan ang kasal isang katibayan lang yan na nag uugnay sa dalawang tao na hindi ibig sabihin sila na hanggang dulo kasi gaano man katibay ito nauuwi din sa hiwalayan pag hindi nag kakaunawaan, pero minsan ito din ang nagiging daan patungo sa taong nakalaan at makakasama mo hanggang kamatayan.Yong taong nilalaman nang puso mo,yong taong mag papasaya nang mundo mo,at yong taong mag bibigay nang kulay sa buhay mo."Natulala na lang ako sa mga sinabi nito.

"Hindi ganon kadali yon" mahinang sagot ko dito.

"Mahal ka ni Dave kitang-kita yon sa bawat tingin nya sayo,pero kung hindi sya.. sabihin mona"

"Masasaktan ko sya"

"Hayy..' Yan tayo eh'.. Ms.Cassie dibale nang masaktan mo sya sa una,kaysa habang buhay mo syang  gawing tanga"

"IN YOUR EYES" (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon