Kabanata 7

11.6K 400 35
                                    

Follow me on Twitter: @deliixxWP

Kabanata 7

New Student

Madalas kong nahuhuli si Johansson na nakatingin sa akin at hindi man lang n'ya iniiwas ang tingin kapag nahuhuli ko s'ya kaya sa huli ay ako iyong nag-iiwas.

Wala akong balak na tanungin s'ya tungkol doon, I don't want to ruin everything. And besides, sinasabi sa akin ni Maxxine na nakikita n'ya madalas si Johansson at Kelsey na nag-uusap sa hallway kaya mas lalo akong natatakot na tanungin s'ya.

At first, iniisip ko na exxagerated lang mag-kwento etong si Maxxine tungkol kina Johansson at Kelsey pero nang makita ko na silang nag-uusap ng personal ay nawala lahat ng pinanghahawakan ko.

P.E. namin at naisipang bumili ni Maxxine ng maiinom habang nag-hihintay kaming makalaro ng volleyball sa gym. Sinamahan ko s'ya at habang naglalakad kami ay nakita ko si Johansson at si Kelsey na nag-uusap sa ilalim ng puno sa gitna ng guadrangle.

Malayo sila sa isa't isa, nakapamulsa si Johansson habang si Kelsey naman ay nakatingin sakanyang mga daliri. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila.

Johansson finally met the future Mrs. Johansson, huh?

Nag-iwas ako ng tingin sakanila at naglakad na lang ng mabilis papuntang cafeteria.

Pagkatapos naming bumili ng Gatorade ay bumalik na kami sa gym. Nandoon parin sila sa ilalim ng puno, nag-uusap ng masinsinan. Nag-iwas ulit ako ng tingin, I don't want to look at them. Mabuti naman at nagmamadaling bumalik si Maxxine at hindi napansin ang dalawa.

Hiyawan ang mga babae sa kabilang parte ng gym kung saan nag-ba-basketball ang mga boys habang sa kabila naman ay kung saan ang volleyball. Balisa akong umupo sa bench at tinabi ang biniling Gatorade.

Habang naghihintay sa susunod na laro ay nagyaya si Maxxine na manuod sa basketball ng mga boys, hinayaan ko na lang s'yang hilahin ako. Balisa akong umupo sa tabi ni Maxxine habang sya naman ay kausap na ang babaeng katabi nya at tinanong tungkol sinong nananalo.

"Damn, nanunuod ang crush ko!" sigaw ng player ng kabilang section na nakatingin sa amin

Pinaghalong section namin at ibang section ang naglalaro, it was like a mini competition at syempre nag-chi-cheer kami sa ka-section namin.

"Go Liñan!" Nagsama-sama kaming mag-kakaklase na mag-cheer para sa section namin

"GO ROMUALDEZ!" cheer nila nang nakay Nathan ang bola

"Boo!" sigaw ni Maxxine ang naka-3 points shoot si Nathan. Napatingin si Nathan sa nag-'boo' sa kanya at nang nakitang si Maxxine iyon ay natigilan s'ya

"Let's go. Tawag na ata tayo ni Coach." sabi ni Maxxine at hinila ako

Hindi pa kami tinatawag ni Coach pero nanatili na lang kami doon sa kabilang side, si Nathan ang rason kung bakit kami umalis doon.

Nang kami na ang maglalaro ay tapos na sina Nathan maglaro kaya ang iba ay umupo sa banda namin habang iyong iba naman ay umalis na.

Tinali ko ang buhok ko habang si Maxxine naman ay hindi mapakali sa pwesto n'ya.

"You okay, Max?" tumango s'ya sa tanong ko at pumwesto na kami

Pinunasan ko ang noo ko na puno ng pawis, luminga ako sa mga kasama kong seryosong tinitignan ang kalaban, si Maxxine lang itong nakatingin sa bench.

Alam kong si Nathan ang tinitignan n'ya dahil kanina pa sila chinicheer ng mga kaibigan n'ya ang magandang babae sa kabilang section, ang mga kalaban namin.

SCSU: Tiara - Miss Always Rank #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon