Kabanata 22Kisses
Sa isang table ay may walong tao, kasama namin sa table sina Tita Cielo, Tita Tracy, Tito Zander at Tito Ivan habang sina Tita Sofie, Tita Qim, Tito Royce at Tito Kevin ay nasa kabilang table.
Nanatili ang tingin ko sa mga Johansson, they're talking with some businessmen. Nanatili si Johansson sa tabi ng kanyang Ama, tahimik at ngumingiti paminsan minsan kapag kinakausap. Inangat nya ang tingin nya at tumingin sa mga tao, sa banda namin. We first met each other's eyes, ngumiti sya at may sinabi sakanyang Ama dahilan kung bakit napatingin rin si Tito Adam sa akin.
Tumawa si Tito Adam at tumango sa sinabi ng kanyang anak, tinapik nya muna ang balikat ng anak bago ito pinakawalan.
I pin my lips together, forcing my smile away. He's wearing a white button down polo, black coat and slacks. He's not on his usual tuxedo and I can't help admiring how good he looks on everything.
He's smiling while closing our distance, mabuti na lang at nakaupo ako kasi kung hindi ay baka kanina pa ako nanlambot ang mga tuhod ko.
Nilingon ko sina Daddy na kausap si Tito Zander about sa project na gagawin next month, si Mommy naman ay kausap ang dalawa nyang kaibigan habang si Xena naman ay nasa phone ang kanyang atensyon.
Naramdaman ko ang presensya ni Johansson sa akin likod, inangat ko ang tingin ko at nagkatinginan agad kami. His eyes were expressive and his lips were giving me chills, naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking upuan.
"Good evening po." lumipat ang tingin nya sa aking mga magulang. Nakuha nya lahat ng atensyon sa aming table.
"Good evening Zeeyan, where's Regina and Adam?" tanong ni Daddy
"They're talking with the Cos." lumipat ang tingin ulit ni Johansson sa akin.
"Can I steal Tiara for a while?" tanong ni Johansson sa mga magulang ko. Kinagat ko ang aking labi, why do he always have to be formal?
Tumawa si Daddy at tumango "Sure, basta ibalik mo sya sa amin." bahagyang tumawa si Johansson at tumango rin.
Nagulat ako nang hinawakan nya ang aking kamay para tumayo, hindi na ako nagatubiling tignan ang kung sino man sa aming table dahil paniguradong nakatingin sila sa amin.
He's still holding my hand habang nilalagpasan namin ang mga ibang table, nakaagaw kami ng atensyon pero etong kasama ko ay walang pakielam. Tuloy-tuloy lang syang naglalakad habang hawak ang kamay ko.
Tumigil sya nang nasa hardin na nila kami, sa tapat ng pool na paborito ko. His hand was holding me when he faced me, his eyes sparkles because of the pool's reflection.
"I'm sorry for not texting you. Naabala ba namin kayo sa dinner party na 'to?" tanong nya nang nakatingin diretso sa aking mata. I can't look the same way he looks at me, umiling ako nang hindi sya tinitignan.
"Good. I'm annoyed at Mom for making this dinner a rush, hindi nya alam na may ibang ginagawa ang mga tao at hindi maganda na basta basta na lang mag-seset ng ganitong dinner."
"Your family was known in business, Johansson. No one will complain. Magiging masaya pa nga sila dahil nakita nila ang Mom mo."
"Bakit ako hindi masaya na nandito sya?" tinignan ko sya sa mata dahil sa sinabi nya. Matagal na noong huling bisita ng kanyang Ina dito sa Pilipinas. Dapat maging masaya sya dahil buo na sila ulit. I know that he's close with his Dad than his Mom but that doesn't mean that he have to push his Mom away.
"You should be happy, Johansson." umiling sya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko
"I just have a feeling..." hindi nya tinuloy ang sinabi nya. Umiling sya na para bang bad idea na sinabi nya pa ito
BINABASA MO ANG
SCSU: Tiara - Miss Always Rank #2
Teen FictionSt. Cloud State University: Tiara Louisse Tyson