Kabanata 12
Decisions
Dirediretso kami sa labas, ni hindi ko na nalingon sina Maxxine at Nick sa dancefloor hindi ko pinagbigyan ni Johansson na magpaalam.
Kita ko ang itim na BMW, may dala s'yang driver at nang nakita n'ya kaming palabas ay mabilis n'ya kaming pinagbuksan ng pintuan.
Humalukipkip ako nang tumigil kami sa tapat ng kotse. I came here with my friends at uuwi ako na kasama ang mga kaibigan ko, hindi ko nga alam kung bakit nandito si Johansson at kung paano n'ya nahanap ang bahay nina Micah, maybe they're friends?
Nagtiim bagang s'ya nang napansin n'yang wala akong balak pumasok
"You get inside o bubuhatin kita?" malamig n'yang sinabi, tinignan ko s'ya ng masama
"Hindi pa ako nakakapagpaalam sa mga kaibigan ko." Lalo na sa birthday celebrant
"Just text them, they'll understand." sabi n'ya, nagtinginan kaming saglit. Umirap ako at pumasok na sa loob
Pinatong ko ang ulo ko sa headrest at hinintay na pumasok si Johansson. Masama ang pakiramdam ko at pakiramdam ko ang lalala ito kapag nakipagtalo pa ako kay Johansson.
Nakapikit ako sa limang minutong byahe, pagdilat ko ay ibang hardin ang tinatahak ng sasakyan!
Dumilat ako at umupo ng maayos, anong ginagawa namin sa mansion nila?
"Bakit hindi sa amin?" tanong ko nang tumigil kami sa malaking double door nila
"Dad want to see you." bigla s'yang lumabas, iniwan akong nakatulala. Bakit ako gustong makita ni Tito Adam? May importante ba s'yang ipapasabi kay Daddy?
Lumabas ako ng pinagbuksan n'ya ako ng pintuan, nagtinginan muna kami saglit bago pumasok sa loob.
Giant chandelier caught my attention the moment I stepped in, may piano katulad sa amin at iba ibang mamahaling muwebles. Kapansin pansin rin ang dalawang hagdan na magtatagpo sa second floor ng mansion. I've never been through their rooms except sa playroom na kung saan lagi kami ni Maxxine noong mga bata pa kami, noon ay gustong makita ni Maxxine ang buong mansion, narinig kasi n'yang may indoor pool pero pinigilan ko s'ya. Nakakahiya para kay Johansson lalo na't nandoon lang naman kami kapag may business meeting ang mga magulang namin.
"He doesn't mind though." bulong ni Maxxine at nginuso si Johansson na nagbabasa ng libro. It's Saturday at pinipilit ulit ako ni Maxxine na lumabas ng playroom para tignan ang mga katabing kwarto. Umiling ako at pinagpatuloy ang pagbubuo ng puzzle.
Iniisip ng lahat na close kaming dalawa ni Maxxine kay Johansson, lalo na daw ako dahil sa akin lang daw hindi masungit si Johansson. Ngumingiwi ako kapag sinasabi nila iyon dahil alam kong hindi totoo iyon.
"Tiara!" tawag sa akin ni Tito Adam at sinalubong ako ng yakap, gulat ako sa reaksyon n'ya pero niyakap ko rin pabalik
"Good evening, Tito Adam." sabi ko nang nagkaharap na kami, narinig ko ang tikhim ni Johansson sa gilid ko kaya napatingin kaming dalawa ni Tito sakanya
"Nag-dinner na ba kayo?" tanong n'ya at naglakad kami papunta sa kanilang dining room
"Ah eh..." tinignan ko si Johansson, asking him to help me answer his Dad's question
"Hindi pa, Dad." sabi n'ya
May dalawang chandelier sa dining room at sa baba nito ay malaking table, hinid ko na nabilang ang mga upuan dahil sa pagkakahawak ni Johansson sa bewang ko. He guided me to my seat. Nasa gitna si Tito Adam at nasa magkabilang gilid naman kami ni Johansson.
BINABASA MO ANG
SCSU: Tiara - Miss Always Rank #2
Teen FictionSt. Cloud State University: Tiara Louisse Tyson