Kabanata 26Kaien
Nasa harap kami ng hapunan ng binuksan ni Mommy ang topic tungkol sa magiging charity project na gaganapin sa Iloilo.
"Are you sure you'll go without us? Ang ate mo lang ang makakasama mo doon at ang mga staff." Unfortunately, hindi sila makakasama dahil sa ginagawang building sa BGC. Kailangan nilang tutukan iyon, sa mga interior designs, meeting sa mga engineers at sa kung sino-sino pa.
"It's okay, Mom. Mas importante po iyong ginagawang building kesa sa charity."
"Thank you for understanding, darling. Tell your friends that they can join you para naman ma-enjoy nyo ang sembreak nyo." mabilis akong tumango dahil sa excitement ko, I can't wait to go upstairs and tell my friends about the great news.
Sumapit ang final exam at nandito kami ngayon ni Johansson sa library nila, dapat ay sa coffee shop na lang kami pero ayaw nya daw ng maraming taong nakapaligid sakanya kapag nagrereview kaya hinayaan ko na lang ang kaartehan nya.
"Ang awkward naman, Top 1 and Top 2 nag-rereview magkasama." sabi ni Maxxine na kadarating lang. Tinapon nya ang bag nya sa sofa bago pumunta sa amin.
Nagkatinginan kami ni Johansson, ngumiti sya bago umiling. Binalik nya ang tingin sa libro habang ako ay nakipagkwentuhan muna sa bagong dating na si Maxxine.
Ito ang unang pagkakataong na magkasama kaming mag-review ng kaming dalawa lang. Nagulat nga ako ng niyaya nya akong mag-aral ng magkasama, buong akala ko ay magkukulong ako sa kwarto buong weekend para magreview.
Cinall ako ni Maxxine at tinanong kung nasa bahay ba ako at nang sinabi kong narito ako kina Johansson ay kinilig sya at nagsabi ng kung ano-anong kalokohan kaya sa bandang huli ay tinatanong ko si Johansson kung pwede bang pumunta si Maxxine para matigil na ang pag-iisip nya ng kung ano ano sa amin.
Umigting ang panga nya ng tinanong ko sya, buong akala ko ay tatanggi sya dahil kasasabi nya lang na ayaw nya ng maraming tao sa paligid nya habang nag rereview pero tinanong ko parin sya ng ganoon kaya nagulat ako ng tumango sya.
"Ang tahimik nyo ah." puna ni Maxxine pagkatapos ng isang oras na pagrereview. Nakaupo kaming dalawa ni Maxxine sa sofa habang si Johansson naman ay gamit ang malaking table.
Pinatay ni Johansson ang kanyang iPad at lumapit sa amin. Nilagay nya sa coffee table ang bag na nasa tabi ko at tumabi sa akin, sumilaw ang ngisi sa mukha ni Maxxine na nasa harapan namin.
"Hindi ko pala kaya." nagtaas ako ng kilay sakanya, anong hindi kaya?
"Hindi ko kayang mag-focus habang nasa paligid ka." bulong nya
"So I'm a burden to you?" nagtaas ako ng kilay, tumawa sya at umiling
"That's not it. Parang gusto kong pang makasama kita kesa sa magbasa."
"Kasama mo naman ako." tawa ko
"I want to be with you, stare at you, hug you... And kiss you..." bulong lang iyong huling mga salita pero pakiramdam ko ay isinigaw nya.
Mabilis akong lumayo sakanya at tinawanan nya lang iyon. Ang bilis ng tibok ng puso ko at pakiramdam ko ay lahat ng init sa katawan ko ay napunta sa mukha ko.
"Oh shut up..." bulong ni Maxxine, nakaharang ang kanyang iPad sa kanyang mukha kaya hindi ko nakikita ang eskpresyon nya
Johansson chuckled at lumapit sa akin para akbayan ako.
Huling araw na ng examination week at todo ang pagdiriwang ang nagaganap sa hallway dahil tapos na raw ang "paghihirap". Mabuti nga't may pumapasok pa sa utak ko kapag kasama ko si Johansson. Kapag magkasama kaming magreview ay lagi ko syang naabutang nakatitig sa akin at bandang huli ay tatabi sya at tutulungan ako sa pagreview.
BINABASA MO ANG
SCSU: Tiara - Miss Always Rank #2
Teen FictionSt. Cloud State University: Tiara Louisse Tyson